TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Mayon Volcano and the Cagsawa Ruins, Albay

1/31/2012

6 Comments

 
Picture
Kumusta mga ka-tripapips?! Alam nyo ba kung saan matatagpuan ang isa sa pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas at kilala sa buong mundo dahil sa perpektong hugis nito? Ito ay ang Daraga, Albay at isa sa pinakabinibisitang lugar ng mga turista dahil dito matatagpuan ang Bulkang Mayon. At sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nakarating kami sa Cagsawa Ruins kung saan makikita mo ng malapitan ang napakagandang tanawin ng Bulkang Mayon.   

Papunta kami ng Catanduanes sa Bicol. Ang flight namin ay mula Manila hanggang Legazpi lang dahil mahal na ang direct flight papuntang Virac, Catanduanes. Syempre, gusto rin namin makamura at makatipid. Kailangan pa naming sumakay ng barko mula Tabaco papunta sa Catanduanes. At dahil kailangan namin maghintay ng limang oras bago umalis ang barko, sinamantala na namin iyon para makapagbisita sa isang pinagmamalaking tanawin ng Albay at nang buong bansa, ang Mayon Volcano. 
Picture
Sa eroplano pa lang ay matatanaw mo na ang kagandahan ng Mayon Volcano. Perfect cone nga daw sabi nila. At dahil dito naging most scenic airport ang Legazpi Airport sa buong bansa. Isang oras din ang byahe ng eroplano para makarating sa Legazpi. At pakalapag ng eroplano ay dalian na kaming nagtungo sa Cagsawa Ruins, Daraga. Sobrang gandang pagmasdan ng bulkan. Napakalaki pala sa malapitan. 
Picture
Sinamantala na naming magpapicture. At sinubukan naming patayin ang sindi ng bulkan, inihipan at inihian. Pero nanalantay pa rin ang pambihirang ganda nito. Totoo ngang perpekto ang bulkan na ito. 
Picture
Picture
At marami ring tindahan ng mga pasalubong sa paligin nito. Sa katunayan nga, papunta pa lang kami sa paruruonan ay may nabili na kaming pasalubong. Marami kang pagpipiliang pasalubong na depende rin sa budget mo. May mga bags na yari sa abaca, t-shirts na tatak Bicol at at mga keychains na sili na kung saan kilala ang mga Bicolano dahil sa siling labuyo. 
Picture
Picture
Pagkatapos naming mag-ikot sa iba't ibang tindahan at mamili ay nilibot na namin ang Cagsawa Ruins Park.  Matatagpuan pa dito ang lumang simbahan na kung saan natabunan ito ng mga alikabok nung pumutok ang bulkan sa taong 1814. Makasaysayan ang simbahang ito dahil ito ang naging tahanan ng mahigit sa 1,200 katao nung panahong iyon. Sa kasamaang palad, nilamon ng lava ang mga ito at walang nakaligtas. :) 
Picture
Napakasaya ng aming pamamasyal sa Cagsawa Ruins Park. Isang hindi malilimutang araw iyon para saamin. Hahaha. Behave pala kami ng mga panahong iyon. Walang masyadong kalokohan. Kung sa bagay, nasa simbahan naman kami kaya dapat good boy kami. :) 
Picture
Picture
At hindi pa diyan nagtatapos ang aming adventrues. Marami pang makukulit na trip ang ishi-share namin. Isa ang trip namin sa Cagsawa Ruins Park ang masasabi naming masaya at walang katulad. Sampong piso lang ang pamasahe sa jeep plus entrance fee sa park, pero walang katumbas ang tuwang naibigay nang makita namin ang higanteng bulkan ng Mayon. Sama kayo samin next time ha!?
Picture
6 Comments
jenny rose link
2/1/2013 06:02:07 pm

super enjoy yata nyan ????

Reply
alma link
6/30/2014 08:19:23 pm

alma bati kaayo ang picture murag boang

Reply
hubuyfh link
6/30/2014 08:18:20 pm

hahahahahaha
jhopj

Reply
56 link
1/23/2018 02:32:16 am

maganda nga pala sa malapitan ang bulkan no

Reply
Cecille B Napitan link
3/11/2021 01:05:41 am

thank you po

Reply
cecille b napitan link
3/11/2021 01:07:57 am

pero medyo linawan nyo po pagsasalita po ha
thanks

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.