Sa aming paglalakbay, isang historical attraction na matatagpuan sa Lobo, Batangas ang aming narating. Ito ay Parola ng Malibrago o maskilala noon bilang "Faro de Punta de Malabrigo". Isa ito sa 24 na parolang itinayo sa ating bansa noong panahon ng Espanyol.
Matatagpuan ang parola ng Malabrigo sa timog ng Lobo sa taas ng isang bulubundukin kung saan matatanaw mo ang isla ng Mindoro at Isla Verde. Dahil may kalayuan ito sa bayan, nilakbay namin ito ng mahigit na 30-45 minuto lulan ng pambribadong sasakyan. Ngunit maaari nyo rin itong marating ng tricycle mula sa bayan patungo sa Barangay Malabrigo sa halagang 60.00 pesos. Habang naglalakbay ay matatanaw nyo ang iba't ibang naggagandagang dagat na nakapalibot sa Lobo.
Kawili-wili ang kasaysayan ng parolang ito. Noong panahon ng pananatili ng mga Espanyol sa ating bansa, ipinag-utos ang pagtayo ng mga parola upang gabayan ang mga barkong naglalakbay sa bansa at kabilang sa mga ito ay ang Parola ng Malabrigo. Itinayo ang "Faro de Punta de Malabrigo" noong 1896 ni Jose Garcia at dinisenyo ni Guillermo Brockman na ngayon ay itinuturing na isang historical landmark sa bansa. Sa ngayon, nasa pamamalaga ito ng Pamilyang Thomson sa pakikipag-ugnayan mula sa Philippine Coast Guard.
Masnakilala ang parolang ito noong ipalabas ang "Ang Lalaki sa Parola" kung saan dito kinuhanan ang mga eksena ng pelikula. Noong 2006, nagdulot ng pinsala ang di-awtorisadong pagsasagawa ng mga pelikula dito kaya kinakailangan munang humingi ng pahintulot sa tagapangalaga upang magamit ito. Sa ngayon, naibalik na sa wasto ang parolang ito.
Ngunit maliban sa kasaysayang taglay nito ay may nakatagong ganda ang makikita sa ibaba ng bulubundukin. Matataguan dito ang isang hagdan patungo sa malaparaisong dagat kung saan taglay ang naglalakihan mga alon, malinaw na tubig at lalong lalo na, malapit sa kalikasan.
Ngunit maliban sa kasaysayang taglay nito ay may nakatagong ganda ang makikita sa ibaba ng bulubundukin. Matataguan dito ang isang hagdan patungo sa malaparaisong dagat kung saan taglay ang naglalakihan mga alon, malinaw na tubig at lalong lalo na, malapit sa kalikasan.
Sa dagat na ito kami nagpalipas ng oras. Libre lang. Sa oras na iyon ay halos pagmamay-ari namin ang buong karagatan. Walang ibang tao kundi kami lang. Maliban sa pagbisita sa makasaysayang parola ng Malabrigo ay tiyak na mag-ienjoy ang ang barkada at pamilya dito. Huwag kalimutang bisitahin din ang dagat na ito. Uulitin namin, LIBRE lang dito. :)