TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Lenten Season In the Philippines

4/11/2012

1 Comment

 
Picture
Tuwing Abril o Marso, ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Semana Santa. Ang Pilipinas, bilang isa sa bansang Kristiyano ay isa ito sa pinakaimportanteng bagay na idinadaos taon taon. Ito ang panahon para gunitain ang pagsakripisyo ni Hesukristo at pagsalba nya sa sambayanan sa kanilang mga kasalanan. Panahon din ito para humingi ng kapatawaran, pagsasakripisyo at paggawa ng kabutihan sa paniniwalang sa ganitong paraan ay mababawasan ang ating mgakasalanan.

Dahil panahon ng Semana Santa ngayon, hindi namin pinalampas na lumipas lang ang Mahal na Araw na hindi namin nagugunita ang totoong kahulugan nito. Ito ay pagpapaalala sa atin lahat nang sakripisyo ni Jesus Christ para tayo ay maligtas. At dahil doon, minarapat naming bisitahin ang mga kalbaryo para gunitain ang Mahal na Araw.  
Picture
Sinuyod namin ang Barangay Poblacion sa Makati para mag-Visita Kalbaryo dahil kasama na sa ating kultura na tuwing Mahal na Araw ay may mga kalbaryong itinatayo. Madaling araw namin binisita ang mga magagandang kalbaryo doon na nagpapakita ng iba’t-ibang Stations of the Cross. Kitang kita ang ginugol na oras ng mga tao doon sa paggawa ng bawat kalbaryo.  
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Maririnig mo sa bawat kalbaryo ang mga taong kumakanta ng pabasa kahit bata o matanda. Nasa tono man o wala ang pagkanta nila ng pabasa, dedma sila dahil mas mahalaga na gawin ang ganitong tradisyon tuwing Semana Santa. 
Picture
Picture
Picture
Bawat kalye doon ay may kanya-kanyang itinayong kalbaryo kasali na rin ang bawat organisasyon ng barangay. Halos wala kaming pinalampas na kalbaryo doon dahil nakakamagnet ang bawat kalbaryong nakikita namin. Bawat kalbaryo, napansin namin ang mga listahan ng mga tao at pamilyang nagbigay ng donasyon sa bawat kalabaryo maging mga kilalang pulitiko. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Ipinakita nila ang mga kaganapan lalong lalo na ang kamatayan at resurrection ni Hesukristo. Kahit na madaling araw na noon ay marami pa ring tao ang hindi nag-atubiling bisitahin ang mga kalbaryo doon para magdasal.  
Picture
Picture
Picture
Picture
At hindi lang yun ang nagpasaya ng aming gabi. Marami rin kaming nakilalang mga deboto na naglilibot din tulad namin. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Pasikat na ang araw nang matapos kami sa pagbisita sa barangay. Nakakapagod at nakakagutom. Ngunit hindi yun naging dahilan upang hindi namin maenjoy ang trip namin. Sobrang naenjoy namin ang trip na iyon dahil naramdaman namin ang kahulugan ng Semana Santa at masasabi naming isa ito sa ipinagmamalaki naming kultura at tradisyon ng Pilipino at sa makahulugang paggunita natin kay Hesukristo.
 
Napakagaan sa pusong makita ang mga tao na nagkakaisa sa paggunita ng Semana Santa. Iba't ibang paraan man natin ito ipinagdiriwang, ang mahalaga ay may iisang hangarin tayo at iyon ay ang paghingi ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.  
Picture
1 Comment
Thomas Adrian Griarte
1/31/2017 12:11:58 am

Hi! Taga Poblacion ako at isa sa mga kabataang involved sa gawaing ito sa aming barangay. Ako rin ay may ari ng imahen na inilalabas sa mga kalbaryo at prusisyon. Miyembro ako ng docu team ng Sts. Peter and Paul Parish at Ministry of Altar Servers.

Kuya, baka pwede po akong makahingi ng kopya ng inyong mga pictures and videos noong kayo ay nag ikot sa mga kalbaryo sa aming barangay? For docu gathering lang po.

Maraming Salamat po at God Bless! Sana po ay bumalik ulet kayo dito sa aming lugar!

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.