TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

I Am Ready for the Singapore Blog Awards 2012

7/18/2012

1 Comment

 
Picture
Si Tripapips Noks ito. Sa pagkakataong ito mag-isa akong maglalakbay patungong Singapore at hindi makakasama si Tripapips Jong dahil sa kanyang trabaho. Kaya kahit mag-isa ako ay hindi pa rin mawawala ang kakulitan at makabuluhang road trip! Pupunta ako sa Singapore para makilala ang iba't ibang bloggers na kabilang sa Singapore Blog Awards 2012 at para maghasik na rin ng lagim. (Joke) Hahaha.

Napili ako at ang aking blog na Sining Factory bilang isa sa 15 na international bloggers na dadalo sa ika-limang Singapore Blog Awards na gaganapin sa sikat na Singapore Flyer sa ika-21 ng Hulyo, 2012. Kasama sa mga naanyayahan ay ang 4 pang bloggers galing sa Pinas, 6 sa Malaysia at 4 sa Hong Kong. Ang masaya dito ay may libreng 3 days at 2 nights na hotel accommodation ang 15 international bloggers sa ibibigay ng Far Eastern Hospitality.
Picture
Kaya ano pa. Dalian akong naghanda para lumipad patunong Singapura. At maraming salamat sa aking tatay na nagbayad sa aking pamasahe, sa aking nanay at ate na nagbigay ng aking pocket money. Kung wala sila, hindi ako magigig matagumpay sa aking paglalakbay. ECHOS! Alam nyo naman na tambay lang ako. Haha. 

Syempre hindi mawawala dyan ang aking camera na pinakamahalaga sa lahat. Kabilang na rin ang sandamakmak na damit at sapatos. Kaagad agad ko itong inihanda kasi masyado akong excitteedddd!!
Picture
At kabilang sa aking paghahanda ay ang pag-ayos ng aking costume na gagamitin sa SBA2012. Kailangan daw kasi naka-smart casual or naka Super Hero costume. OO, tama ka, super hero costume pero naka-Joker ako, at isa siyang kilalang kontra-bida. Haha. Eh walang basagan ng trip. Yan lang meron ako eh. Hehe. At naniniwala akong walang supehero kung walang supevillain. ;)
Picture
Ang Singapore Blog Awards 2012 ay kinabibilangan ng 10 main award categories, 2 celebrity categories at 3 special categories. 

Ang 10 Main Award Categories ay ang mga sumusunod:
  • Best Lifestyle Blog
  • Best Photography Blog
  • Best Y-Bloggist
  • Best Fashion Blog
  • Best Food Blog
  • Best What-the-Hell Blog
  • Best Individual Blog
  • Best Travel Blog
  • Best Family Blog
  • Best V-log

Ang kabilang naman sa 2 Celebrity Categories ay:
  • Most Popular Overseas Celebrity Blog/Microblog
  • Most Popular Local Celebrity Blog/Microblog

At ang 3 Special Categories ay:
  • Best Online Shopping Blog
  • Best Beauty Blog
  • Best Blogshop
Makisaya tayo sa pagdiriwang ng Singapore Blog Awards 2012 at habang nasa Singapore ako ay babalitaan ko kayo ng mga kaganapan! Ulit, ito si Noks at sa ngalan ng aking partner na si Tripapips Jong, binabati namin kayo ng Maligayang Araw! AAaaayyy!
Picture
1 Comment
carmela
11/1/2014 12:40:01 pm

Bakitt Wla yung Myanmar ?

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.