TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Foods to Try When You are in Puzzle Mansion, Tagaytay City

3/31/2013

1 Comment

 
Picture
Ang masarap na pagkain ay dapat hindi mawawala kung ikaw ay naglalakbay. Kaya saaming pagtungo sa The Puzzle Mansion ay nagtala kami ng mga iba't ibang pagkain na dapat nyong subukan. Matatagpuan ito sa  Purok 4 Cuadra St. Barangay Asisan, Tagatay City.

1. Breakfast - Tulad ng kanilang sinabi, ang almusal sa The Puzzle Mansion Bed 'n Breakfats ang kanilang pinerpekto para balikbalikan ito ng mga turista. Hindi naman kami binigo ng masarap na mga pagkain dito tulad ng mga inihaing mga pagkaing Pinoy saamin. Ngunit maliban dito, maari ka ring mamili ng iba pang pagkain tulad ng mga American Breakfast at iba pa.

Read: Chillaxing at The Puzzle Mansion Bed 'n Breakfast, Tagaytay City
Picture
2. Bibingka - Hindi mo na kailangang hintayin bago ang pasko para makatikim ng masarap na bibingka dahil dito, araw araw ay hahainan ka ng mainit at bagong luto ng bibingka. Malalasahan mo ang espesyal na lasa nitong pinaghalong tamis at alat kasabay makremang lasa ng pinudbod na niyog.
Picture
3. Puto Bumbong - Takam na takam kami sa puto-bumbong dahil sa bango nito at sa kaaya-ayang kulay. Creamy at sakto ang tamis kaya hinding hindi ka mauumay dito. Syempre, masarap ito partneran ng mainit na chocolate o kaya malamig na softdrinks para sa pang merienda.
Picture
4. Barbeque at Kebab - Isa ito sa paborito naming pagkain dito dahil hindi ordinaryo ang panlasa nito. Maihahambing namin ito sa barbeque ng Aristocrat ngunit napakaswak neto sa budget. Sa halagang 40 pesos ay maari mo na itong matikman.
Picture
5. Buko Cream Pie - At syempre kung hanap mo ay panghimagas pagkatapos kumain, tikman ang pinagmamalaki nilang Buko Cream Pie. Nag-iisa lamang ito sa Tagaytay kaya ito ay kadalasang dinadayo ng mga tao dito. Ito rin ang paboritong pasalubong ng mga bumibisita dito kaya kami rin ay nag-uwi ng isang box nito. Maaring bilhin ito sa halagang 50 pesos bawat slice o kaya 350 pesos sa bawat buong box. 
Picture
Hindi nyo dapat palagpasin ang mga pagkaing ito kapag kayo ay bumisita sa The Puzzle Mansion. Maliban sa magagandang tanawin at makasining na adveture dito ay dapat nyo ring pagbigyan ang inyong mga dila upang tumikim ng mga katakam na takam na pagkain. Ilan lamang ito sa mga pagkain dito na dapat nyong masubukan. Huwag kalimutang laging gawing masaya ang Food Trip! :)
Picture
1 Comment
Rowell Rosell link
4/1/2013 06:21:34 am

let's go to Ilocos Norte this coming May!

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.