Isa ka ba sa hindi kumakain ng balut dahil maraming nakakadiring bagay ang naglalaro saiyong isipan? Nandidiri ka ba? Naiisip mo na hindi mo kayang kumagat at lumunok ng itim na mabalahibong sisiw? At dahil dyan, marami kaming naisip na paraan para masolusyunan ang iyong problema. :)
Ang "balut" ay isang sikat na pagkain sa ating bansa. Dahil dito, nakilala ang lugar ng Pateros at Victoria, Laguna sa mayamang industriya sa paggawa ng balut. Galing ito sa itlog ng bibe na buo na ang sisiw sa loob o tinatawag na embryo, pinakuluan hanggang sa maluto ito. Malasa ang sabaw nito ngunit maari mo rin itong kainin ng may asin, suka, o kaya sili para masmagkaroon ng lasa.
Kadalasang binibenta ito sa gabi sa tuwing makakarinig ka ng sumisigaw ng "Baaallluuuuuttt!" kaya naging paboritong pulutan din ng mga manginginom sa gabi. Ngunit maliban sa masarap na lasa nito ay sinasabi ring ito ay masustansya at mayaman sa protina kaya tinatawag ito ng karamihan na "pampalakas ng tuhod." Sa mga kalalakihan namin, nagbibigay daw ito ng kakaibang lusog at init sa katawan at pinaniniwalaang isang aphrodisiac.

Dahil pagbukas mo nito ay makikita mo ang kaawa-awang sisiw, marami rin sa atin ang hindi kumakain nito. Nandidiri! Sa katunayan, napabilang pa ito sa Most Terrifying Food in the World Subalit maraming paraan ang maari mong gawin para matikman ito at hindi bumaliktad ang iyong sikmura.
1. Higupin lamang ang sabaw. Marami sa mga hindi kumakain ng balot ay hinihigop lamang ang sabaw nito. Sa paghigop ng sabaw, hindi mo makikita ng buo ang laman ng balot kaya hindi ka mangdidiri. Dahil malasa ito, ito ang paborito ng karamihan at pinakaunang kinakain bago tuluyang buksan ang buong itlog.
2. Sa dilim kumain ng balut. Maghanap ng madilim na lugar na hindi maiilawan ang iyong kinakain na balut. Sa ganitong paraan, hindi mo makikita kung ano ang laman nito at masmadali mo itong makakain. Siguraduhin lamang na laman lang ang iyong kinakain. Sa sobrang dilim, baka pati balat ay makain mo rin.
3. Kaagad isubo at lunkin agad. Kainin ang balut agaran at wag na itong titigan pa upang usisain ang loob nito. Oo, sisiw ang laman nito kaya wag na wag mo nang titingnan. Isubo ng buo ito at agad lunukin at baka sakaling masarapan ka at matututunan mo ring kainin ang balut. Hindi mo rin mararamdaman ang mga matitigas na parte ng sisiw kung kaagad mo itong isusubo.
4. Pumikit habang kumakain. O bakit mo pa titingnan ang balut kung nandidiri ka? Masmabuti pang ipikit mo na lang ang iyong mga mata bago ito isubo.
5. Tanggalin ang sisiw. Kung sisiw lang naman ang problema mo kung bakit ka hindi kumakain ng balut, e bakit hindi mo na lang ito tanggalin. Kainin na lamang ang dilaw na parte ng balut. Pero syempre, lugi ka. Dahil kalahati ng binayaran mo ay nasayang lang kung itatapon mo ito.
6. Takpan ang ilong. Ang iba ay tinatakpan ang ilong para hindi masuka. O baka nandidiri sa balut dahil sa lansa. Masmabuti pang takpan mo ang iyong ilong para hindi ito maamoy at hindi rin gaanong malasahan ito.
7. Lagyan ng maraming asin o suka. Masmasarap ang balut kapag may asin at suka. Pero maari mong lagyan ito ng maraming asin o suka para hindi malasahan ang lansa o kaya maslalong maging masarap saiyong panlasa.
Ilan lamang ito sa mga paraan upang hindi ka mandiri sa pagkain ng balut. Hindi mo pa rin ba kayang kumain ng balut? Lakasan mo lang ang iyong loob makatikim, makakain at makaubos ng balut. Kung ang iba nga kaya, ba't hindi mo kakayanin? Di ba? Hahaha. Happy eating!