Asul at puti ang kulay na iyong masisilayan kapag ikaw ay napatungo sa isang mansyon sa Tagaytay. Ito ang The Puzzle Mansion na kung saan matatagpuan ang pinakamaraming koleksyon ng jigsaw puzzle sa buong mundo. Ngayon, isa na itong tourist attraction na dinadayo ng karamihan.
Nadagdagan na naman ang aming listahan ng mga dahilan kung bakit napakasayang getaway ang Tagaytay at dahil ito sa panibagong tourist attraction dito na dinadayo ng karamihan dahil sa mahigit isang libong koleksyon ng mga puzzles na ngayon ay kinikilala ng Guinness World Records bilang Largest Collection of Jigsaw Puzzle in any Size, Shape and Form na nakuha ng isang Filipina na si Gina Gil-Lacuna matapos nitong talunin ang record ng Brazilian na si Luiza Figueiredo na may mahigit 500 daang puzzles lamang.
Read: Why Tagaytay for a Getaway?
Read: Why Tagaytay for a Getaway?
HOW TO GET HERE:
Ang Puzzle Mansion ay matatagpuan sa Cuadra Street, Barangay Asisan, Tagaytay. Napakadali lang pumunta sa Puzzle Mansion. Maari sumakay ng bus papuntang Nasugbu, Batangas. Bumaba sa Radar Taas at sumakay ng tricycle patungo sa Puzzle Mansion. Nagkakahalagang 35 pesos ang pamasahe sa tricycle at aabutin ng dalawang oras ang buong byahe. Kung kayo ay naglalakbay ng grupo, maari kayong magpasundo ng shuttle mula sa gate papasok dito, ng LIBRE at walang pagod! :)

Ang museyo ng mga puzzles ang pinakasikat na dinadalaw sa Puzzle Mansion. Sa halagang 100 pesos bawat tao ay maari mo nang masilayan ang buong kolesyon ng mga puzzles. Halos mapuno ng iba't ibang uri ng puzzles ang museyo na talaga namang nakakamanghang pagmasdan. Hindi lang ikaw mamamangha sa ganda ng mga larawan ngunit maging sa kasipagan at tiyaga ng pagbuo ng bawat puzzle na talagang pinaggugulan ng oras ni Ma'am Gina. Inipon nya itong lahat sa loob ng 26 na taon at nagsimula dahil sa hilig nya sa sining at paglalakbay, kaya halos ang bawta isa dito ay mga larawan ng makasaysayang lugar o kaya dibuho ng mga sikat na pintor. Binibili nya ang bawat puzzle sa mga lugar na kanyang binibisita.
Nilibot naman ang museyo na tila muli kaming bumalik sa pagkabata. Nakakatuwang pagmasdan ang mga makukulay na puzzles dito. Ngunit maswerte kaming naroon din si Ma'am Gina na personal na nag-ikot saamin habang sinasalaysayan kami ng mga kwento ng bawat puzzle. Sa loob ng 15 minutes na tour, hindi lang ikaw matuto kundi makakausap mo rin ang isang kinikilalang tao sa buong mundo.

Pagkatapos ng tour ay nilibot namin ang buong lugar. Siguradong magiging masaya ang barkada kung bibisita dito dahil napakaraming pwedeng gawin dito. Nag-enjoy kami sa paligid na puno ng iba't ibang halaman at mga bulaklak.
Hindi ka rin magugutom dito dahil halos napapalibutan ito ng iba't ibang pagkain. Kung sariwang prutas ang hanap mo, matatagpuan dito ang isang fruit stand na may iba't ibang panindang prutas. Ngunit maliban dito ay marami ka pang ibang mga pagkaing dapat matikman dito.
At syempre bago matapos ang araw, huwag kalimutang dumalaw sa souvernir shop na matatagpuan sa itaas ng museyo. Maari kang mag-uwi sa bahay ng iba't ibang uri ng puzzles tulad ng kay Ma'am Gina, pero syempre bibilhin mo ito. :)
Ang kung sa tingin mo bitin ang isang araw para mag-ikot at magpakasaya sa Puzzle Mansion, matatagpuan dito ang isang Bed and Breakfast na maari mong palipasan ng gabi. Ito ang nagsilbing tahanan namin ng isang gabi upang lubusan naming maikot ang buong mansyon. :)
Hindi lang diyan nagtatapos ang aming kwento dahil masmarami pang nangyaring adventures kinabukasan. Part 1 pa lang yan! Pero masasabi naming napakasaya ng aming karanasan sa Puzzle Mansion. At siguradong magiging masaya rin kayo kung isasama nyo ang inyong pamilya at barkada. Masasabi naming kumpletong kumpleto ang aming pagbisitang muli sa Tagaytay!