Agaw-pansin ang isang mansyon sa isang kalye na kung tawagin ay Cuadra. Ito ay ang Puzzle Mansion at isa ngayon sa mga pinagmamalaki ng Tagaytay City bilang tahanan ni Gina Gil-Lacuna at ng mahigit libong koleksyon nya ng iba't ibang uri ng puzzles.
Tanyag ito dahil dito matatagpuan ang pinakamalaking koleksyon ng iba't ibang uri ng puzzles sa buong mundo. Ngunit maliban dito, isa rin ito paboritong puntahan ng mga barkada at pamilya dahil may natatago itong sikreto, ang Puzzle Mansion Bed 'n Breakfast. Ito ang nagsisilbing tahanan ng mga turista upang maranasan ang tunay na kagandahan ng Puzzle Mansion.
Read: Completing the Travel Piece at The Puzzle Mansion

Dahil masarap bisitahin ang Tagaytay tuwing weekend, naisipan naming dumayo dito at pumunta sa sikat na Puzzle Mansion. Ngunit ang isang araw ay hindi sapat upang makapag-ikot dito at maranasan ang kung ano ang meron dito. At sa isang gabi, ang Puzzle Mansion Bed 'n Breakfast ang nagsilbing tahanan namin.
HOW TO GET HERE:
Ang Puzzle Mansion ay matatagpuan sa Cuadra Street, Barangay Asisan, Tagaytay. Napakadali lang pumunta sa Puzzle Mansion. Maari sumakay ng bus papuntang Nasugbu, Batangas. Bumaba sa Radar Taas at sumakay ng tricycle patungo sa Puzzle Mansion. Nagkakahalagang 35 pesos ang pamasahe sa tricycle at aabutin ng dalawang oras ang buong byahe. Kung kayo ay naglalakbay ng grupo, maari kayong magpasundo ng shuttle mula sa gate papasok dito, ng LIBRE at walang pagod! :)

THE ROOM
Our home away from home. Komportable, tahimik at tila nasa sariling bahay lang kami. Lahat ng siyam (9) na kwarto dito ay hinango ang pangalan sa mga bulaklak at ang aming tahanan ay tinatawag na Tulip Room. Napakaluwag ng kwarto na pwede ang buong barkada o pamilya. Matatagpuan ito sa gilid ng malaking swimming pool at napapalibutan ng mga halaman at bulaklak. Preskong hangin ang babati sayo tuwing lalabas ka ng kwarto. Nagkakahalaga ng 4,800 -8,000 pesos ang bawat silid depende sa laki nito.
Tulip Room
One queen size bed
Full size bathroom and shower
Max occupancy: 2 adults + 1 child
Possibility of extra bedding

THE BALCONY
Hindi lang ang kwarto ang maienjoy mo rito kundi pati ang mga balkonahe na nagsisilbing pahingahan ng mga bisita. Matatagpuan ito sa taas ng Puzzle Museum at malapit sa kusina. Habang nakatambay dito ay matatanaw mo ang buong kagandahan ng lugar, nagrirelaks at dinadama ang masarap na simoy ng hangin. Hindi rin malalaos ang social media life mo dito dahil may wi-fi sa buong lugar.

ACTIVITIES
Maliban sa pagbisita sa Puzzle Museum ay may ilan pang mga activities na pwedeng gawin. Lilibutin kayo sa buong museyo ni Gina Gil-Lacuna habang kinukwento nya ang mga istorya sa bawat puzzle na kanyang binuo. Ilan din sa mga nag-enjoy kaming activities ay ang pagfufood-trip dahil maraming booth dito na nagbibenta ng pagkain. Maaari rin kayong maligo sa napakalaking swimming pool. O kaya mag horse back-riding at makilala ang kabayong si Belo sa halagang 50 pesos. Mag-enjoy din sa pagpasyal sakay ng asul na jeep.

THE KITCHEN
Ito ang pinakapaborito naming lugar dito. Hindi naman halatang patay gutom kami di ba? Hahaha. Dahil tinawag itong Bed 'n Breakfast ay sobra naming naenjoy ang masasarap na almusal dito. Paggising namin ay sinalubong kami ng iba't ibang putahe na para lang kaming gumising sa sariling bahay. At alam nyo ba na ito talaga ang kusina ng bahay ni Gina Gil-Lacuna. Maging sila ay makakasabay nyo ring kumain ang kanyang pamilya at makikilala nyo ang kusinero nila simula pa noon. Tinuring nila kaming parang kapamilya rin nila. :)

Halos napuno ang plato namin ng masasarap na pagkain.
THE FOOD
Pano nga ba't hindi mapupuno kung ganito naman kasasarap ang ihahain sainyong almusal. Danggit, Hungarian sausage, egg omelet, longgasina at marami pang iba. sa sarap ay napatodo ang aming kain.

Ngunit, hindi lang sa almusal nagtatapos ang lahat. Hahaha. Dahil inabot kami ng tanghalian at tinuring na ispesyal na bisita ng Puzzle Mansion ay may bonus na tanghalian pa kami. Katakamtakam ang mga lutong bahay at halos lahat ay paborito namin. Mula sa bistek, sinigang na baboy, steamed tilapia at hipon, sino ba naman ang tatanggi sa mga masasarap na pagkain na ito? Siguradong malilimutan mo talaga ang diet mo. Kung foreigner man ang bibisita, matitikman na nila ang sari-saring Filipino foods dito.
Ngunit bago magwakas ang aming paglalakbay ay syempre dapat may pasalubong dapat kami sa mga dabarkads. Nag-uwi kami ng isang kahon ng Buko Cream Pie na dito mo lang din matatagpuan. Nakakabaliw sa sarap dahil halos lagi namin itong napag-uusapan kapag pagkain ang usapan.
Tapos na ang isang masayang bakasyon. Sobrang sulit ang lahat. Isa na naman ito sa mga dahilan kung bakit masayang get-away ang Tagaytay. Para saamin, dito namin naranasan ang sarap ng bakasyon na parang nasa sariling bahay mo lang ikaw. Ito yung lugar na hahanap hanapin mo tuwing gusto mong tumakas sa magulong paligid. Hindi lang basta bastang bakasyon kundi todo chilax dito. Swak na swak sa barkada at sa buong pamilya.