TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Celebrating Chinese New Year 2013 in Binondo, Manila

2/11/2013

0 Comments

 
Picture
Sa pagdiriwang ng Chinese New Year, ang unang lugar na maiisip mong dalawin ay ang Binondo, Manila.  Dito matatagpuan ang pinakamatandang China Town sa buong mundo matapos maitaguyod noong taong 1594 ng maging sentro ng kalakaran ng mga Instik sa Pilipinas. 

Isa ito sa inaabangan naming pagdiriwang ngayong taon. Dahil mahilig kaming makisiksik, makigulo at makisaya, sinuyod namin ang bawat kalsada sa Binondo. Mula pagpasok sa Arko ng Mabuting Pakikisama, makikita mo na ang dami ng taong nakikiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year. Hindi tulad ng ordinaryong araw, ang Binondo ay puno ng mga iba't ibang turista. Ganito ang taon-taong masasaksihan tuwing sasapit na ang unang araw ng bagong Lunar Year.
Picture
Picture
Picture
Dahil Year of the Water Snake ngayon, sikat ang mga lobong hugis ahas na may iba't ibang kulay. Hindi rin mawawala ang mga tradisyunal na palamuti. Ilan sa mga ito ay palamuting sinsabit na yari sa pinya, kiat-kiat, luya at palay na may nakalagay na pulang laso na pinapaniwalaang nagdudulot ng swerte. Marami ang bumibili ng mga alahas na sinasabing nagbibigay ng swerte sa pera, sa kalusugan, negosyo at maging sa pakikipagrelasyon. Pinipilahan din ng maraming tao ang mga restaurant at lalo na ang mga tindahan upang bumili ng tikoy. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Sa isang banda ay maririnig ang ingay ng mga tambol at kalampag ng cymbals na umagaw sa aming pansin. Malayo man ay makikita mo na agad ang dambuhalang dragon na tila nang-aakit dahil sa napakakulay at napakagandang anyo nito. Dalian kaming pumunta sa kinaruroonan nito upang masaksihan ang tinatawag na Dragon at Lion Dance. Sa Tsina, ito ay ginagawa tuwing may mahahalagang pagdiriwang tulad ng Chinese New Year sa paniniwalang tinataboy nito ang malas sa pagpasok ng bagong taon.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Habang naglalakad kami ay nakarinig ulit kami ng tunog ng tambol. Halos maririnig mo na ito sa bawat kalsada. May grupo ng mga bata na sumasayaw at tumutugtog at may grupo rin ng matatanda. Hanggang mapapansin mo ang iba't ibang kulay ng mga kasuotan nila at mapapaindak ka sa bawat galaw ng mga nagtatanghal. Maririnig mo rin ang malakas na paputok na talagang nakakapukaw ng damdamin.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Umagaw din sa aming pansin ang isang lugar na marami ang sumasamba. Nag-alay din kami ng insenso tulad ng ginagawa ng iba. Maaari ka ring magsindi ng pulang kandila upang humiling.
Picture
Picture
Picture
Sa kabilang dako ng Binondo ay matatagpuan ang Lucky China Mall. May kakaibang pagdiriwang naman dito ng Chinese New Year. May mga pagtatanghal dito tulad ng mga pagtugtog ng tradisyunal na musika sa Tsina, Martial arts, sayaw, awit at marami pang iba. Dito rin matatagpuan ang Chinatown Walk na may roong mga booth kung saan makikita ang iba't ibang kultura at sining sa Tsina at marami pang iba.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Pagbalik namin sa kalsada ng China Town, marami ang mga umagaw sa aming pansin. Isa na rito ang isang grupo ng mga mananayaw. Sa dami ng nanunuod sa kanila ay nakuha nila ang aming atensyon. Ayon nga sa iba, ito raw ang totoong Dragon Dance dahil bumubuga sila ng apoy. :)
Picture
Picture
Picture
At syempre, bago pa maubos ang aming lakas at tuluyang himatayin sa pagod at gutom, kumain muna kami ng kung ano man ang makita namin sa kalsada. Hahaha. Isang malutong na chicken skin, squidballs at Mountain Dew ay solve na kami. :)
Picture
Picture
Picture
At dito nagtatapos ang aming buwis-buhay na trip! Nakakapagod at nakakadugyot man ay sobra naman kaming naging masaya. At binabati namin kayong lahat ng KUNG HEI FAT CHOI!
Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.