Ang pinakauna naming trip ay nagsimula sa lugar na tinaguriang "The Salt Capital of the Philippines". Saan pa nga ba kundi sa Pangasinan.
Nagkayayaan lang kami kung bakit kami napadpad sa Pangasinan. Wala talagang plano. Kumbaga sa isang manlalakbay, walang intinerary . Ang aming kaibigan na si Von ang may pasimuno ng lahat.
Nung niyaya kami ni Von, syempre hindi kami naniwala. Mahilig kasi siya mag-aya, pero wala namang natutuloy. "Tokis" o talkshit nga tawag namin sa kanya. Biruin mo naman, magpaplano ng inuman ng barkada, pero sya din naman ang hindi pupunta, eh pano pa kaya kung out-of-town ang plano? Pero hindi rin namin itatangging gusto namin pumunta sa Pangasinan. Sino pa ba naman ang aayaw? Kaya nagdadasal kaming sana ay magkatotoo.
At nagkatotoo nga.
'Nong nalaman naming hndi nagbibiro si Von ay nag-ayos kami agad-agad ng mga damit at gamit namin. Okey lang kahit may maiwan kaming ibang gamit. Ang importante ay matupad ang promise ni Von samin. Dali-dali kaming pumunta sa Pasay Bus Terminal at naghanap ng biyaheng Pangasinan. Sumakay kami ng Victory Liner papuntang Alaminos. Mga alas sais ng hapon na kami nakaalis. Mahigit anim na oras din ang byahe. Dumating kami ng Alaminos ng alas dose ng gabi. Pero kailangan pa namin magjeep papunta sa bayan ng Dasol. Doon kasi ang aming tungo.

Sa anim na oras naming byahe, wala pa pala kami sa paruruonan namin? Talaga naman o! At napakamalas dahil wala nang jeep na bumabyahe 'nong oras na 'yon. Hindi ba niloloko na naman kami ng mabait naming kaibigan? Hmm. At buti na lang ay nakakuha kami ng tricycle na pumayag na bumyahe. Ilang minuto lamang ay nakarating na rin kami sa wakas.
Kinabukasan ay pumunta kami sa Tambobong Beach, isang napakagandang dagat, puti at pino ang baybayin, nagluluntian ang mga halaman sa tabing-dagat, presko ang hangin at wala pang masyadong tao. Dahil walang masyadong tao, nahirapan din kaming maghanap ng matutuluyan.
Wala naman kaming kakilala doon. Kaya nilakad namin ang kahabaan ng baybayin hanggat nakakita kami ng isang resort. May resort pala, akala namin nag-iisa lang kami doon, may kasama rin pala kaming iba. Pero masmapapaganda ang adventure namin nito dahil may tutulong samin sa paglalakbay.
Pagod na pagod kami sa kakalakad, hanggang nakarating kami sa aming mumunting tahanan. May mga kwarto naman na pwedeng tuluyan doon, pero pinili namin ang isang maliit na kubo at para lang kaming nagbabahay-bahayan. Nagpahinga kami ng ilang sandali at agad-agad na kaming tumuloy sa aming gala.
Ang sarap tingnan ng paligid. Ang tanging maririnig mo lang ay mga lagapak ng alon sa baybayin at ang ingay ng mga ibon. At wala na kaming sinayang pang oras kaya sinimulan na namin ang pag-ikot sa karagatan.

Nagrenta kami ng isang bangka na maglilibot samin at ihahatid kami sa isang isla. Narating namin ang isang isla at doon namin inubos ang aming oras. Walang katao-tao sa lugar na iyon. Kaming tatlo lang at si mamang bangkero. Naligo kami halos buong oras nang itinagal namin doon.
Pumasok kami sa kweba at tuwang tuwang naligo "ulit" sa isang malaswimming pool na lugar habang hinihintay pumasok ang hambas ng mga alon sa loob. Para kaming mga batang first time makaligo sa swimming pool.
Minarapat din naming maglakad lakad upang masilayan ang buong kagandahan ng lugar at tanawin.
Sa ganitong tanawin, siguradong marirelax ka. Napakapresko ng hangin.
Nagbanlaw. Nagutom at lumamon. Lahat ng pagkain ay galing sa mabait na yaya ni Von. At nais namin siyang pasalamatan sa calamari, adobong manok at adobong pusit na pinabaon nya saamin. Sa sarap nang mga pagkain, maslalo namin naenjoy ang aming bakasyon este lakwatsa.
At syempre, mawawala ba ang inuman? Kinagabihan ay naglatag kami ng banig sa tabing-dagat at para F na F ay nagbonfire kami. Dito namin tinuloy ang masayang inuman, kwentuhan at halakhalakan.
Hanggang nagkalasingan at nagsayawan kami sa palibot ng sulo. Ewan kung ano ba ang sinsayaw namin pero isang ritwal daw yan ng masayang pagkakaibigan. Haha.
Kailangan naming gumising ng maaga kinabukasan. Umaga lang daw kasi ang byahe ng jeep pabalik sa bayan. Pero oo, tanghali na kami nagising at naiwanan kami ng jeep. Wala nang masasakyan. Problema na namin kung paano bumalik sa bahay nina Von. Nagsisisihan na kami kung sino ang tinanghaling gumising. (Eh iinum-inom, malamang malalasing at tatanghaliing gumising.) At buti na lang may dumating na isang sasakyang naghahatid ng baboy. At nakiusap kaming kung pwede ay ihatid kami sa bayan.
Habang nasa byahe kami, huminto at panandaliang bumaba kami para magpapicture. Ang ganda ng tanawin habang pabalik kami sa bayan. Parang nasa New Zealand lang kami na nagbeberdehan ang mga damo.
Habang nasa byahe kami, huminto at panandaliang bumaba kami para magpapicture. Ang ganda ng tanawin habang pabalik kami sa bayan. Parang nasa New Zealand lang kami na nagbeberdehan ang mga damo.
At dahil nakauwi kami ng maayos at ligtas, gusto naming pasalamatan si manong drayber at sakanyang sasakyan. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi kami makakauwi. :)
Sobrang saya ng adventure na 'yon. Ending, napatunayan samin ni Von kung gaano kasaya sa Pangasinan. At hindi imposibleng babalik at babalik kami sa Dasol. Sayang at hindi ko napicturean yung mga pagkain na inihanda samin ni Von, fresh crabs, fresh pusit, native na manok at marami pang iba. At libre yan lahat. O di ba? At masasabi naming masarap talaga ang libre. Maraming salamat kay Von at sa kanyang pamilya.