Matagal tagal na rin kami hindi nakabalik ng Baguio para magbakasyon. Kaya ngayong malapit na ang summer, at sakto upang makita ang makulay na pagdiriwang ng Panagbenga Festival, naisipan namin muling bisitahin ang City of Pines at tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas! Tara na at magpalamig muna tayo mga Tripapips!
Ang Baguio City ay matatagpuan sa Hilagang Luzon sa Pilipinas. Kilala ang Baguio bilang tahanan ng mga pine trees at pinupuntahan ng mga tao dahil sa malamig na klima ng lugar. Kaya dito na rin kami nakagulo, kasama ang barkada upang tuklasin ang ganda ng kanilang lugar at kultura. :)
Anim din na oras ang byahe mula sa terminal ng Cubao hanggang Baguio City. Nagkakahalagang 600 din ang pamasahe at pero dahil nagtitipid kami, pinakita namin ang aming lumang school ID para sa student discount. (Tip!) At naging 350 na lang ang aming babayaran.
Unang gabi namin doon, nagpunta agad kami sa Nevada Square. Nagdecide kami lahat na sa Club Tangerine namin icecelebrate ang unang araw namin doon. Matapos magsayawan, magtawanan at maginuman, ayan si Aiza, nalasing at pinasuka ng alak. Hahahah!
Anim din na oras ang byahe mula sa terminal ng Cubao hanggang Baguio City. Nagkakahalagang 600 din ang pamasahe at pero dahil nagtitipid kami, pinakita namin ang aming lumang school ID para sa student discount. (Tip!) At naging 350 na lang ang aming babayaran.
Unang gabi namin doon, nagpunta agad kami sa Nevada Square. Nagdecide kami lahat na sa Club Tangerine namin icecelebrate ang unang araw namin doon. Matapos magsayawan, magtawanan at maginuman, ayan si Aiza, nalasing at pinasuka ng alak. Hahahah!
Kinabukasan ng aming Baguio Trip, pumunta kami sa Burnham Park para magbangka. 150php/30 minutes ang renta sa Bangka. Ang tropa naming si Von ang nagbidabidahan para mag-sagwan pero naman marunong marunong. Stressed ang lahat sa amin dahil di kami makaandar ng maayos. Hanggang matapos ang time namin sa pagbabangka na iyon ay walang naging matinong andar ang nangyari samin.
Kaya, naisip nalang ng lahat magfoodtrip dahil sa stress at gutom na idinulot samin nang pagbabangka. Hinanap agad namin ang masarap na strawberry taho na sikat sa Baguio. Siyempre lahat bumili dahil kilala yun sa Baguio.
At napagdesisyunan na namin na puntahan ang SM Baguio para lang mag-inuman na sa kasawian-palad ay sarado na ang lahat ng mga bars na pwede kami mag-inuman. Lakad lakad hanggang makapunta kami sa aming naging paboritong lugar ng kaalakan ang “Bohemian Food & Café”. Dito na namin nilasing ang aming sarili. Halakhak, asohan (asarang ginagawa kang aso), kwento at lasingan ang naganap sa lugar ng kaalakan.
Kinabukasan, pumunta na kami sa Street Dance Competition para sa Panabenga Festival 2012 kahit na dinudurog kami ng kagimbal-gimbal na hangover. Dedma sa kung anuman ang pakiramdam dahil alam namin bibihira namin makikita ang mga ganung eksena sa Baguio.
Sobrang enjoy kami kasama ang barkadang si Jov sa panunuod ng Street Dance Competition. Halos lahat ng mga nagperform ay di namin pinalampas na makapagpapicture sa kanila. Di na rin namin hinintay pa ang resulta kung sino panalo doon. Pumunta nalang kami sa Kape Diperensya para magkape. Sikat dahil sa kanilang Organic Soya Coffee at dinadayo din dahil sa doo din matatagpuan ang bahay na puno ng kulay, sining at talento, ang Arko ni Apo. Si Benhur Villanueva, sikat na artist ng Pinas ay nakasama namin sa kanyang mga malulupit na artworks. Tuwang tuwa kami kasi mahilig kami sa mga arts and crafts na gawa. Buti nalang ay pinayagan kami ng kunan ng picture ang mga gawa niya. Sarap na sarap kami sa kape nila. Inakyat namin ang 2nd floor para sa iba pang gawa niya at ang maganda doon kasama namin si Benhur Villanueva at ang kanyang asawa mismo. Ang pinakamaganda sa lahat ay nalibre kami sa masarap na kape nila. Ayos na ayos at sulit na sulit ang pagbisita namin sa bahay nila.
Matapos namin bisitahin ang Arko Ni Apo, nagpunta kami sa katabing pasyalan doon ang “Tam-Awan”. Dumating na ang iba naming kasama para magsama-sama kami sa pag-akyat sa “Tam-Awan". Tuwang-tuwa kami sa mga nakita namin doon dahil para ganun din mismo ang tirahan ng mga Igorot. Nanuod kami ng sayaw ng mga nakabahag na Igorot at hindi namin napigilan na makisali sa pagsayaw nila. HAHAHA!
Kinagabihan ay pumunta kami sa Session Road para baybayin ang kahaban ng kalsada at libutin ang ibat ibang tindahan. Ngunit sa kalagitnaan ay nagutom kami at nagkayayaang kumain. Pagkatapos noon ay inuman na naman ang naganap sa aming paboritong lugar ng kaalakan. Lima nalang kami uminom nina Aiza, Jov, Von dahil sila Len at Nyo ay nagpahinga nalang sa bahay para sa Flower Parade ng Panagbenga Festival 2012 kinabukasan.
Dinudurog pa rin kami ng aming hangover dahil late na kami natapos mag-inuman. Kasama namin si Jov sa panunuod ng parade. Nagdesisyon na kaming umuwi na dahil halos hihimatayin na kami sa panunuod ng parade. Bago kami matulog ay nag-inuman nalang kami sa Pit Stop na katabing bar ng lugar kung saan kami tumutuloy. At ng matapos ang inuman sa tanghaling tapat ay natulog kaming tatlo para magrecharge ng katawan.
Pagkagising ay pumunta na kami sa terminal para magpareserve ng ticket pauwi. Sawi kaming makapagpareserve ng ticket kaya kumain nalang kami sa session road at nagsama-sama na kami para na naman sa inuman. HAHAHAH!
At napagdesisyunan na ng grupo na magvideoke at uminom na lang sa Red Lion.
Pagkagising ay pumunta na kami sa terminal para magpareserve ng ticket pauwi. Sawi kaming makapagpareserve ng ticket kaya kumain nalang kami sa session road at nagsama-sama na kami para na naman sa inuman. HAHAHAH!
At napagdesisyunan na ng grupo na magvideoke at uminom na lang sa Red Lion.
Gumising kami ng maaga para bumili nalang ng ticket pauwi. Check-out kasi namin ay hanggang 12nn lang kaya dali-dali kaming nag-impake ng gamit. Sa wakas ay nakahanap na kami ng mabibilhan ng ticket. Kumain na kami after namin makabili ng ticket at pumunta ulit sa SM Baguio para magkape at tumingin ng mga pampasalubong at tumambay sa isang Sybling's Nook Cafe, isang coffee shop na kilala sa dahil sa kanilang Berry Tea.
Halos bitin na bitin pa kami sa apat na araw na pagpasyal namin sa Baguio dahil ang dami pa naming gustong pasyalan doon. Hindi na bale dahil paniguradong babalikan namin ang Baguio para sa mga susunod na adventures naming doon. Sama kayo samin next mga Tripapips!