TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Aliwan Festival 2012

4/25/2012

16 Comments

 
Picture
Ang pinakaaabangang pasiklaban ng makukulay na sayawan ay muling idinaos sa taunang Aliwan Festival noong ika-10 ng Abril, 2012 sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Ito ang ika-sampong taon ng pagdiriwang kung saan nagsasama sama ang iba't ibang mananayaw sa iba't ibang probinsya ng Pilipinas upang ipakita ang kanilang kultura at itaguyod ang kanilang lugar sa pamamagitan ng sayaw. Ang Aliwan Festival 2012 ay inorganisa ng Manila Broadcating Company at ng Cultural Center of the Philippines sa tulong ng lungsod ng Maynila at Pasay.

Ang Aliwan Festival ay taunang ginaganap na nagpapakita ng iba’t-ibang festivals sa buong Pilipinas kung saan ang mga kasali ay naglalaban ng kanilang sayaw, floats at pambato nila para sa beauty pageant. Ang bawat probinsiya ng Pilipinas ay may kanya-kanyang representative para sa pagdiriwang na ito para ipakita ang kultura nila sa kanilang lugar.  
Picture
Picture
Alas dos ng hapon nagsimulang pumarada ang mga bonggang floats at mga pinakamahuhusay mananayaw ng bawat probinsiya ng Pilipinas. Dumadagundong na tambulan at kantahan ang maririnig mo sa buong Roxas Boulevard habang ang mga manunood ay nakabalandra sa gilid para magpicture ng mga mananayaw at floats. Astig!
Picture
Picture
Picture
Picture
Dedma sa kainitan ng araw ang lahat dahil minsan lang sa isang taon lang ginaganap ang magarbong pagdiriwang na iyon. Tagaktak man ang pawis ay di kami nagpahuli sa mga tao doon para kunan ng litrato ang mga bawat pumaparadang mga mananayaw.

Ang mga kasali ay pumarada mula Quirino Granstand papuntang CCP complex kung saan mangyayari ang competition ng sayaw, floats at beauty pageant. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Isinama namin si Tripapips Mike (tropa mula pa college) at ang kaibigan niyang si Charles dahil sabi niya noong High School daw siya ay sumasali daw siya dito at isa siya sa mga mananayaw ng probinsiya niya sa Ilocos. Madalas daw manalo noon ang Ilocos sa competition na ito lalo na daw pagdating sa pabonggahan ng floats. Sabi pa niya, ang mga gumagawa at nagdedesign ng float nila noon ay mga landscape artists at engineer. Angas! Natatawa kami dahil gusto namin mapahiya si Mike kapag pumarada na ang float ng probinsiya nila. 
Picture
Picture
Picture
Well, sa lahat ng mga nagbobonggahang floats na nakita namin, hindi niya naman kami binigo at masasabi nga naming yung sa probinsiya nga nila ang pinakamaganda. Kami ang nabigong pahiyain at asarin si Mike sa pagkakataong iyon kaya pinuri nalang namin siya imbes na asuhin.  
Picture
Picture
Picture
Picture
Tinapos namin mula umpisa ang lahat ng mga kasali sa Aliwan Festival. Dahil na rin sa kapaguran ay di na namin pinanood ang competition na gaganapin sa CCP.

Bonggang enjoy kami sa pagsaksi sa Aliwan Festival at siguradong babalik kami sa susunod na taon para makigulo at makisayaw ulit sa competition na ito. Kita-kita tayo doon next year mga katripapips ha?
Picture
16 Comments
Eric : Blog De Manila link
5/27/2012 03:15:59 am

sayang hindi ko napanood itong Aliwan Festival :(

Reply
Edmar | EDMARATION etc link
5/27/2012 03:22:18 am

Cool blog man! I love the humor.. astig nito ha.. Travel blog in Tagalog. ikaw na!

Btw, ang ganda ng Aliwan, ika nga, mother of all festivals. wala ka nang hahanapin pa, kompletos rekados!

Reply
Juanted Traveler link
5/27/2012 04:14:53 am

one thing i love sa mga festivals is ung colorful costumes nila. parang, there's more life with colors.char hehe

Reply
Renz Bulseco link
5/27/2012 07:59:40 am

Nakaaaliw naman to! Very makulay and ang saya naman to experience this event :D

Reply
Franc Ramon link
5/27/2012 11:29:29 am

Bilib ako sa mga nakakasulat ng blog in tagalog. Di ko alam na may ganito palang festival sa Manila. Great Photos.

Reply
Eigroj Stain link
5/27/2012 04:18:14 pm

Festival is always fun to attend... people dancing and lots of lively colors.

Reply
Mai Flores link
5/27/2012 06:29:41 pm

Wow! Ang saya naman.. Gusto ko din ma-experience yan next year! :)

Reply
TKUEXCLUSIVE link
5/27/2012 07:58:44 pm

Ang cute ng banner! Haha nakakaaliw :3 And the post.. Nice shots. Seems like fun!

Reply
MYRNZ link
5/27/2012 11:06:12 pm

great shots you have. Aliwan Fiesta is really fun and big celebration...sayang and hindi ko nakita! Thanks for sharing these great pictures!

Reply
Lakwatserong Unggoy link
5/27/2012 11:13:24 pm

great experience. random festivals right before your very eyes in the metro :)

Reply
sir rob link
5/28/2012 05:43:03 am

It's always nice to see mardi grass of such kind.

Reply
athena link
5/28/2012 06:18:05 am

what i really like about festivals are the floats!
ang ganda nung may kabayo

Reply
Francis Balgos link
5/28/2012 09:55:10 am

Iloilo won! my beloved city!
masyado lang mainit noong festival nah, kaya di nako nanood.

Reply
Mark Morfe link
5/28/2012 08:55:47 pm

I have yet to edit and post my entry about Aliwan Fiesta. But one who resides in Manila or nearby should definitely attend this fiesta. ^_^

Reply
Tripsiders link
5/29/2012 01:27:43 am

Kagaganda naman ng mga floats.. Bongga!
Lalo na yung kabayo.. kamangha...:)

Reply
jane link
5/29/2012 02:04:05 am

geez! i wanted to see some festivals as well like this! xx

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.