TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Tungkol Sa Tripapips

1/16/2013

13 Comments

 
Oo. Tama! Trip lang namin kung bakit namin simulan ang Tripapips.com. Ito ay para ibahagi na namin ang aming mga trip sa buhay sa pamamagitan ng pagba-blog. Pero syempre, bago nagsimula ang Tripapips.com, masnaunang nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Magkaklase kaming dalawa nung kolehiyo. Tulad ng ibang estudyante, maliban sa "pag-aaral" ay mahilig din kaming magbulakbol, uminom, gumala at lalo na magtrip. Magbulakbol pagkatapos ng klase, uminom kasama ang barkada, gumala kung saan saan at magtrip para may pagkatuwaan. Hanggang magtapos kami ng kolehiyo, solid dabarkads pa rin kami at hanggang ngayon, mahilig pa rin kami magbulakbol, uminom, gumala at magtrip.
Nakuha namin ang pangalang TRIPAPIPS mula sa mga salitang TRIP at TROPAPIPS. Dahil kami ang magtropang mahilig sa trip, pinagsama namin ang dalawang salita at tinawag ang isa't isang tripapips. Sa ngayon, iyan din ang tawag namin sa aming ibang mga barkada.

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Tulad ng isang komiks, puno ito ng kwento at iba't ibang kaganapan tungkol sa dalawang magkaibigan. Ang pangunahing tauhan dito ay si Jong at Noks na pawang mahilig magbulakbol at kung saan saan nakakapunta. Masusubaybayan natin dito ang tawanan, kulitan at maging mga problemang kanilang pinagdaanan habang naglalakbay.

Kaya sana samahan nyo kaming tahakin ang iba't ibang trip namin sa buhay. Katuwaan lang para habang nagsasaya kami ay naibabahagi rin namin ang aming mga karanasan.

Tungkol Kay Jong 

Picture
"Ako si Jong. Ipinanganak noong December 29 at nakatira sa Makati. Ako daw pinakaloko-loko sa barkada. Gusto ko lang mapasaya ang barkada ko. Marami din ang bagay na kinahihiligan ko. Isa na dito ang musika. Mahilig akong kumanta, gumawa ng mga awit at tumugtog ng gitara. Mahilig din akong magluto at sumubok ng iba't ibang pagkain. Mahilig akong gumala sa iba't ibang lugar. Pero syempre gusto kong unang  libutin ang ating bansa, ang Pilipinas. Sino ba naman ang ayaw di ba?"

Tungkol Kay Noks 

Picture
"Noks ang tawag sakin ng mga kaibigan ko at mga taong malalapit sakin. Kaya kapag close tayo, Noks ang tawag mo saakin. Ipinanganak ako noong January 22 sa Catanduanes. Mahilig ako maglakbay kung saan saan. Syempre kasali an dito ang hilig ko sa photography. Gusto ko kunan ang mga lugar na napupuntahan ko. Kung musika ang hilig ni Jong, ako naman ay pag sasayaw. Katunayan nito ay dati akong kabilang sa mga grupo ng mananayaw nung elementary at high school ako."   

Road Trip
Samahan nyo kaming maglakbay kung saan-saan. Dito namin ibabahagi ang aming mga lakwatsa at karanasan habang kami ay naglalakbay. Sana masiyahan kayo sa bawat kwento namin sa bawat lugar na aming binibisita. Kung gusto nyo kaming makasama sa bakasyon at sa isang masayang getaway, huwag mag-atubiling i-mensahe kami. Tara na at makipagkulitan na sa lakwatsa!

Food Trip
Rated PG, ika nga! PG for Patay Gutom! Basta pagkain, hindi maaalis sa trip namin yan. Hinding hindi ito papahuli sa anumang pagkain, mapa-street foods o mapa-fine dining, lahat ay swak na swak sa aming panlasa! Kung gusto nyo nang kakaibang trip sa pagkain, maari kayong magmungkahi ng mga pagkaing kakaiba o pagkaing sikat sa inyong lugar at ipasubok saamin. Hinding hindi namin yan uurungan! Magsalu-salo na tayo sa food trip!

Sound trip, Laugh trip, atbp... 

Syempre, ang bawat pangyayari sa buhay ay dapat may theme song. May masaya, malungkot, rock, slow, iba-iba pero ang mahalaga dyan ay kung paano tayo nakakarelate sa kanta. Dahil mahilig kaming kumanta kahit minsan wala sa tono ay ibabahagi namin ang aming mga paboritong musika na talagang magugustuhan nyo!

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them to: tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming ibang trip, like us on Facebook.
Picture
13 Comments
SALAGUBANG link
3/10/2013 01:53:46 am

Ang pinaka cool na blog sa wikang Pilipino :D Galing galing :D

Reply
Ryan Mach link
5/1/2013 08:31:28 pm

Sa wakas, trabel blag sa wikang Filipino. Haha. Pagbutihin at ipagpatuloy.

Magka-bertdey pala tayo Noks. Lol

Reply
Tripapips
6/3/2013 06:45:17 pm

Salamat! Dapat nating unahing ipakilala ang ating bayan sa ating mga kapwa Pilipino. Sana maraming Pilipino ang mag-enjoy sa blog na ito. :)

Reply
Tripapips
6/3/2013 06:46:15 pm

Maraming salamat! :)

Reply
allie
8/10/2014 09:05:45 am

Miss you noks!

Reply
Keshter
8/10/2014 12:18:40 pm

May abs talaga? ahahaha! Astig!

Reply
Vinz link
8/11/2014 07:40:34 pm

Nice! Trabel blag sa wikang Pilipino. Ang galing! First time kong makahanap ng ganito sa tagal ko ng nagba-blog rin. Sana makasama ako sa inyo minsan.

Reply
Celine link
8/14/2014 05:49:09 pm

Hi, Jong and Noks!

Ang astig ng blog niyo! Apir! :) Sana makasama ako minsan sa mga adventures niyo. Tsaka kung ok lang sa inyo, papromote naman ng blog ko. Hahahaha. Celineism.com. :D

Tapos, Jong, mahilig ka pala gumawa ng kanta, eto may ginawa akong kanta tungkol sa mga trip at adventures ko. Panuorin mo naman and let me know what you think. https://www.youtube.com/watch?v=Cu12h0acTLw

Cheers to the next adventure!
Celine

Reply
Tripapips link
8/27/2014 03:27:57 pm

Hi Celine!

Sige ba! Minsan magsama sama tayong magroad trip! Hehehe. Enjoy na enjoy kami sa kanta mo ah! Nakakainspire gumawa ulit ng panibagong kanta tungkol sa paglalakbay! Galing nyo!

Reply
Celine link
8/28/2014 05:43:56 pm

Hellooooo!!!

Uuuuuyyyy, aasahan ko yan ah? Let's go on a road/foodtrip! Or umakyat tayo ng bundok! :D

Maraming salamat sa pakikinig sa kanta ko at masaya rin ako dahil nag-enjoy at nainspire kayo mga Tipapips. Mag-collaborate din tayo.

Apir!

Cheers to the next adventure!
Celine of Celineism.com

Miguel link
8/16/2014 03:45:11 pm

Ibang klase 'tong blog niyo. Bentang-benta!
Astig, mga sir. :)

Reply
Tripapips link
8/27/2014 03:29:03 pm

Hi Miguel!

Salamat sa pagcomment. Sana mag-enjoy kayo sa iba pa naming trips! Hehehe.

Reply
Camilla link
5/28/2017 12:36:24 am

Galing! Travel blog in Tagalog!!! You're one of a kind! Keep it up!!!

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.