Kanin na, ulam pa! Isang katagang maaring maglarawan sa kakaibang pagkaing ito, ang Tinapa Rice. Nagiging papolar ang isang restoran sa Legazpi, Albay dahil sa mga kakaibang flavors ng pagkain ngunit patok na patok sa mga tao tulad ng Sili Ice cream at ngayon naman ay ang Tinapa Rice.
Tumungo sa 1st Colonial Grill para matikman din ang mga pagkain na ito na tanging sa Bicol nyo lang makikita. Matatagpuan ito sa Ground Floor, Pacific Mall, Landco Business Park, Legazpi City. Kilala ito dahil sa masasarap na authentic na pagkaing Bicolano tulad ng laing, tinutungang manok at sili icecream na syang hinahanap-hanap ng mga namamasyal sa Bicol at maging ng mga lokal na tao.
Read: Sili Ice Cream at 1st Colonial Grill, Legazpi City
Read: Sili Ice Cream at 1st Colonial Grill, Legazpi City
Siguradong narinig nyo na ang iba't ibang flavors ng kanin tulad Adobo rice, Bagoong rice at marami pang iba. Ngunit angat sa mga ito ang Tinapa Rice na isang signature dish sa 1st Colonial Grill. Habang sinusubo mo ito ay malalasap mo ang pinaghalong alat at asim ng itlog na maalat, kamatis at hilaw na mangga na swak na swak sa iyong panlasa.
Ngunit maliban sa Tinapa Rice ay dapat nyo ring tikman ang Tuna Sisig at Oriental Chicken. Ilan ito sa masasarap na pagkain dito perfect kapartner ng Tinapa Rice.
At syempre, huwag palagpasin ang Sili Ice Cream na kanilang pinagmamalaki. Ito ay ang dinarayo ng mga tao dito at sakatunayan ay nakikilala na sa buong bansa.
Kakaibang food adventure ang hatid saamin ng 1st Colonial Grill. Kaya huwag na kayong magpapahuli pa. Subukan na rin ang masasarap na pagkaing tio.
1st Colonial Grill
Albay 1/F Pacific Mall, F. Imperial St. Cor.
Circumferential Rd. Legazpi City
Phone: (052) 481 1213
1st Colonial Grill
Albay 1/F Pacific Mall, F. Imperial St. Cor.
Circumferential Rd. Legazpi City
Phone: (052) 481 1213