TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Random Foodtrip at Seoulia Korean Restaurant, Sampaloc, Manila

5/29/2013

0 Comments

 
Picture
Halos mapaglipasan na ng panahon ang kwento ng isang masayang foodtrip namin sa isang restaurant sa Sampaloc, Manila. Matagal-tagal na rin ito bago nangyari, ang aming hindi inaasang foodtrip sa Seoulia Korean Restaurant na matatagpuan sa St. Francis Square sa Sampaloc, Manila.

Sa sobrang hilig namin kumain, halos wala na kaming pinipiling restoran na mapupuntahan. Kapag swak ito sa budget, sige lang ng sige. Pero kailan kaya kami maglilevel up, yung tipong sa iba't ibang mamahaling hotel at restaurant na kami nag-aalmusal, nanananghalian at naghahapunan araw araw. Hahaha. Ngunit syempre bago yan, marami pa rin kaming masasayang dining experience kung saan saan. Naniniwala kaming wala yan sa kung gaano kamahal ang iyong kinakain, sumasarap at nagiging memorable ang pagkain depende sa mood at kasama mo. 

Hindi na namin maalala kung bakit kami nagtagpo sa Sampaloc. Basta noong oras na iyon ay parehong gutom ang Tripapips at napagtripang kumain sa malapit na Korean Restaurant dito, ang Seoulia. Pagpasok mo sa St. Francis Square ay bubungad na sayo ang nag-iisang Korean restaurant na ito. Nakakatuwang marinig ang pagbati saamin sa lenggwaheng Koryano.
Picture
Picture
Oras na para sa chibugan. Umorder kami ng Beef Bulgogi at Bibimbap. Ang bulgogi ay isang pagkaing kilala bilang pampalusog sa mga Koreano na nangangahulugang "karneng maapoy". Kadalasang hango sa karneng baka o karneng baboy ito. 
Picture
Ang pagkaing bibimbap naman ay nangangahulugang ng  "halo-halong bigas" dahil  pagkaing inihahain mula sa isang mangkok na naglalamn ng mainit na mainit na bigas na mayroong ginisang gulay sa ibabaw at dinadagdagan ng itlog at hiniwang karne. 
Picture
Ngunit maliban sa Bibimbap at Bulgogi na inorder namin ay naenjoy din namin ang iba't iba pang pagkain dito. At syempre ang sari saring banchan na isinilbi saamin. Ilan sa mga ito ay kimchi, pickled radish, fish cake, potato salad at marami pang iba. Syempre ang masaya dito ay unlimited ito at maari kang humingi ng paulitulit. :)
Picture
Picture
Picture
Kung nais nyo rin magfoodtrip dito, tingnan lamang ang mga detalye sa ibaba. Syempre, dapat kayo rin ay masubukan ang Korean restaurant an ito. Hanggang sa susunod na foodtrip!

Seoulia Korean Restaurant
St. Thomas Square
1150 Espana Blvd. cor. Padre Campa St. (Morayta)
Sampaloc, Manila
Picture
0 Comments



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.