Ang "pasalubong" ay isang kaugaliang Pinoy na nangangahulugan ng "isang bagay/gamit, regalo o souvenir" na ating binibigay sa ating mga kaibigan, kapamilya at malalapit na tao sa tuwing tayo ay naglakbay o nanatili sa isang lugar.
Ilan sa mga mainam na "pasalubong" ay ang mga lokal na pagkain tulad ng pili nuts sa Bicol, durian sa Davao, piyaya sa Iloilo o kaya handicrafts tulad ng gitara sa Cebu, sapatos sa Marikina at marami pang-iba. Mainam din na pasalubong ang mga souvenir items tulad ng mugs o kaya T-shirt na may nakalimbag ang pangalan ng lugar na iyong napuntahan.
Read: Hotels and Accommodation: Where to Stay in Singapore
Ngunit isa sa mga problemang maari mong maranasan kapag ikaw ay pumunta sa Singapore ay kung "ano at magkano" ang pasalubong na iyong bibilhin. Dahil mahal ang bilihin dito ay kadalasan ay wala kang naiuuwi para sa iyong pamilya at kaibigan. Ngunit alam nyo ba na may isang lugar sa Singapore kung saan ay marami kang makikitang souvenir items na maari mong gawing pasalubong at siguradong swak na swak sa budget. Matatagpuan mo ito sa China Town. Ilan lamang sa mga nakita namin habang nag-iikot sa China Town na magandang pasalubong ay ang mga sumusunod:
1. Alahas, abubot at palamuti. Mahilig ang mga Pinoy sa mga alahas. At sa halagang 5 SGD hanggang 35 SGD (150 - 1200 pesos) ay maari mo nang iuwi ito saiyong mga kaibigan at pamilya tulad ng kwintas, bracelet at hikaw. Marami kang pagpipilian dito mula sa uri ng alahas, sa kulay at style, sa kung ano ito yari at maging sa presyo na abot ng iyong budget.

2. Personalized items. Gawing espesyal ang iyong pasalubong sa pamamagitan ng pagpapalagay ng pangalan ng iyong papasalubungan. Ilan sa mga nakita namin dito na maaring ipa-personalize ay ang mga mugs at t-shirts. Maari ka ring magpaukit ng iyong pangalan sa pendants at iba pang palamuti. Magandang pasalubong din ang mga bags at damit na may nakalagay ng "I Love Singapore."
3. Local Handicraffts. Gawa ng mga local artists ng Singapore at ng buong Timog-silangang Asya, ang mga local hadicrafts na ito ay patok na patok na inuuwi ng mga turista bilang souvenirs. Magkakaiba ang presyo ng bawat isa mula sa laki at sa kung anong materyales sila. Isa sa paboritong souvenirs sa Singapore ay ang mga inukit na Merlion, Buddha at maliliit na Singaporean Dolls.
4. Lucky charms, key chains, ref magnet, atbp. Ito ang pinakaswak sa iyong budget dahil sa halagang 10 SGD (300 pesos) ay maaari mo nang bilhan ang buong pamilya at barkada ng pasalubong. Tulad ng keychains at ref magnet na may nakaukit na Singapore ay maari kang makabili ng 10 piraso sa halagang 10 SGD. Uso rin dito ang mga lucky charms na nagkakahalagang 4 SGD ang isa o kaya 10 SGD kapag tatlong piraso. Kumuha ka ng bulto para masmakamura.
5. Pagkain at local delicacies. Hayaang malasahan din nila ang uri ng pagkain sa Singapore, at sa China Town mo lang ito makikita sa napakamurang halaga. Ilan sa mga pinipilahang pagkain dito ay ang mga preserved foods tulad ng dried ducks at iba't ibang uri ng dried sausages. Makikita rin dito ang iba't ibang uri ng dried nuts and fruits na mabibili sa kilo. Ang mga pagkaing nakapreserba ang mabuting pasalubong para hindi ito nabubulok at masisira habang nasa biyahe.
Laging tandaan na ang pasalubong ay wala sa kung gaano ito kamahal. Ito lamang ay isang paraan upang magpakita ng pagkaalala mo sa kanila habang ikaw ay nasa malayong lugar.