TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Hotels and Accommodation: Where to Stay in Singapore

8/9/2013

1 Comment

 
Picture
Iba't ibang pinaghalo-halong kultura, magagandang pasyalan, masasarap na pagkain at malinis na kapaligiran ay iilan lamang sa mga dahilan kung bakit isang masarap na pasyalan ang Singapore. Ilan sa mga sikat na pasyalan dito ay ang Universal Studio, Sinagpore Zoo at ang Sentosa.

Maari ka ring magpalipas oras sa Marina Bay, gumimik sa Clarke Quay, mag-ikot at tumuklas ng panibagong kultura sa China Town at Little India o kaya ay magshopping sa Orchard Road o kaya naman sa Bugis kung nais makatipid. Sa dami ng maaari mong gawin dito ay hindi ka mahihirapang magliwaliw dahil organisado at maayos ang pamamaraan ng transportasyon dito. Ngunit ang kadalasang problema ng mga manlalakbay dito ay kung saan maaring manatili sa Singapore.

Related Article: 10 Places in Singapore every tourist must visit to understand its culture
Ang totoo ay hindi mahirap maghanap ng hotels sa Singapore. Kung nais nyong makatipid ay maari kayong maghanap sa China Town o kaya sa Arab Street ng mga backpackers inn na siguradong pasok sa inyong budget. Ngunit kung nais nyo naman ng maskomportable na pananatili at masasarap na pagkain, ilan sa mga minumungkahi namin ay ang Landmark Hotel, Oasia Hotel, Orchard Parade Hotel, Elizabeth Hotel at ang Quincy Hotel.

Landmark Village Hotel

Marami ang dahilan kung bakit sa Landmark Hotel ka dapat manatili. Isa dito ay ang lokasyon ng hotel. Malapit ito sa Arab Street at sa Kampong Glam na kilala dahil sa makulay na kulturang ibinabahagi nito sa mga bumibisita rito. Malapit din ito sa Bugis at Little India na siyang pasyalan kung nais nyong maranasan ang masiglang kultura sa Singapore. Marami rin ang mga komersyal na establisyento ang matatagpuan kung saan maari kang mamili ng mga iba't ibang uri ng alahas, damit at maging mga pagkain na dito lang matitikman.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Oasia Hotel

Sa 8 Sinaran Drive naman ay matatagpuan ang Oasia Hotel. Mararanasan mo ang kaayaayang Novena Clave kapag ito ang iyong tuluyan. Pagpasok mo pa lamang ay tunay na mamamangha ka sa kakaibang disenyo nito na halos kahoy na dingding ang iyong masisilayan. Kaanya-anyaya rin ang amoy ng palibot na tila nasa spa ka. Matatagpuan din dito ang Zaffron Buffet na matitikman mo ang iba't ibang pagkain sa buong Asya. Ang mga kwarto dito ay maliliit lamang ngunit tiyak na maiinlove ka sa mga space-saving furniture. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Orchard Parade Hotel

Nais mo bang mapalapit sa mga naglalakihang shopping malls sa Singapore? Ang Orchard Parade Hotel ang perpektong lugar para saiyo na matatagpuan sa 1 Tanglin Road. Isa sa mga pinagmamalaki ng hotel na ito ay ang lokasyon nito na malapit sa Orchard Road kung saan matatagpuan ang 22 shopping malls at 6 department stores. Ngunit kung hindi mo na nais pang magpakalayo para magshopping, maraming boutiques din ang makikita sa loob mismo ng hotel. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Quincy Hotel

Moderno at isa sa pinakabago sa lahat ay ang Quincy Hotel. Itinatampok nito ang makabagong lifestyle na maari mong maranasan sa Singapore at matatagpuan ito sa 22 Mount Elizabeth. Malapit ito sa Clark Quaye na syang nightlife capital ng Singapore. Siguradong mananatili ka ring malusog at sexy habang nasa bakasyon dahil sa libreng paggamit ng sauna steam rooms nila at fitness centre. Huwag din kalimutang tikman ang libreang ice cream dito. :)
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
The Elizabeth Hotel

Ang lokasyon ng hotel na ito ang isa sa mga rason kung bakit maraming dayuhan ang tumatangkilik dito. Dahil ito ay matatagpuan sa Mount Elizabeth na syang pribadong lugar. Malapit man ito sa Orchard Road ay mararamdaman mo pa rin ang kaayusan at katahimikan sa lugar na ito. Kung isa ka mga taong nais lamang magrelax at gustong maging pribado, tiyak na ito ang pipiliin mo. Victorian ang tema ng hotel na ito at mapapansin mo ang naglalakihang chandeliers at eleganteng mga marble counters dito. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Laging tandaan at isipin ang kaayusan at seguridad sa inyong tinutuluyan. Tulad ng paalala ng Singapore sa mga tao dito, "Low crime rate doesn't mean no crime!" Masmabuti pa rin ang mag-ingat at manatiliing ligtas saan man tayo magpunta. :) 
Picture
1 Comment
erica
8/15/2013 09:04:57 pm

wow ang ganda nman sarap sigiguro pumunta diyaan noh
huuu sna maka punta ako diyaan

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.