Ano ba ang hanap mo sa isang coffee shop? Ang lasa ng kape o ang disenyo ng lugar? Pero kung pareho ang hanap mo, siguradong magugustuhan mo ang isang maliit na coffee shop sa Tacay Road, Baguio City, ang Kape Diperensya, tanyag ito dahil dito pinagsama ang sining at mainit na kape.
Ang Baguio City ay kilala dahil dito matatagpuan ang ilan sa mga magagaling na local artists tulad ng National Artist na si Benedicto Cabrera, ang sikat na visual artist na Santi Bose at filmmaker na Kidlat Tahimik. Ngunit hindi rin papahuli ang isang mahusay na iskultor na si Ben-Hur Villanueva, na hindi lang nagpakilala dahil sa kanyang galing sa sining kundi maging sa kakaibang panlasa at arkitektura ng kanyang coffee shop, ang Kape Diperensya.
Dinadayo ng mga turista ang likha niya na matatagpuan sa kanyang art studio at gallery na Arko ni Apo. Kung gaano katanyag ito ay ganoon din ang kanyang coffee shop na kilala hindi lang sa sarap ng mainit na organikong kape na inahahain dito kundi dahil din sa puno ito ng makasining na mga palamuti at abubot.
Dinadayo ng mga turista ang likha niya na matatagpuan sa kanyang art studio at gallery na Arko ni Apo. Kung gaano katanyag ito ay ganoon din ang kanyang coffee shop na kilala hindi lang sa sarap ng mainit na organikong kape na inahahain dito kundi dahil din sa puno ito ng makasining na mga palamuti at abubot.
Hindi tulad ng ibang coffee shop na puno ng mga upuan at mga lamesa, dito ay nakayapak lamang ang mga customers at nakaupo sa maliit na silya o di kaya sa sahig habang humihigop ng mainit na kape. Nagkakahalagang 85 pesos ang bawat tasa ng organikong kape na yari sa soya. Kasama nito ay ang isang platitong biskwit na masarap kapartner ng kape. Maari niyo ring subukan ang hot choco na yari sa native cocoa.
Matatanaw mo rito ang pagkamalikhain ni Ben-hur Villanueva dahil ilan sa kanyang mga gawa ay matatagpuan dito. Kaaya-aya ring pagmasdan ang mga disenyo ng mga palamuti dito na yari sa mga katutubong kagamitan.
Mula sa mga basura ay ginawang mga dekorasyon ang mga basag na tasa at bote. Sa gilid ng coffee shop ay matatanaw din ang isang hardin na puno ng halaman. Nagpapakita lamang ito kung gaano kalapit sa kalikasan ang Kape Diperensya.
Isa lamang ito sa mga paboritong lugar namin sa Baguio City. Ang pagkakape saamin ay isang paaran ng bonding at dito, hindi lang kami nagkakaroon ng masarap na usapan kundi napapalapit din kami sa kalikasan.