Ang Manila Ocean Park ay naging paboritong pasyalan ng mga pamilya at mga kabataan upang tuklasin ang makulay na mundo sa ilalim ng dagat at ang iba't ibang hayop at mga isda na nagpapakita kung gaano kayaman anga ating karagatan. Matatagpuan ito malapit sa Roxas Boulevard (sa likod ng Quirino Grandstand) sa Ermita, Manila.
Ready na ang Tripapips! Kasama namin ang aming pamilya, handa na kaming sumugod sa Manila Ocean Park upang makita ang kagandahan nito. Tila isang field trip ito dahil kasama namin ang aming mga Titas at mga pamangkin upang ipasyal sila dito. Excited ang lahat dahil maging kami ay first time itong makakarating sa Manila Ocean Park.
Related Article: Aliwan Fiesta 2013 Schedule and Activities
Pagpasok pa lang ay ramdam na namin ang tuwang naidudulot nito sa mga tao dahil sa mga ngiting makikita sa mga mukha ng bumubisita rito. Kadalasang namamasyal dito ay mga pamilya, kabataan, mga estudyante pero hindi rin mawawala ang mga tourista.

Bumungad samin ang naggagandahan at makukulay na mga nilalang sa ilalim ng karagatan. Matatagpuan ito sa Oceanarium na kung saan dito makikita ang mga isda, jellyfish at iba pang marine species. Isa sa pinupuntahan dito ay ang 220 degree curved fish tank ba nay habang 25 metro.
Isa sa pinupuntahan din dito ay ang Jellies (Dancing Sea-fairies) na kung saan mamamangha ka sa nagbabagong kulay ng mga jellyfish. Sa dami nila ay nagmimistula silang mga nagsasayawang fairies na kung saan dito hinango ang pangalan ng lugar. Kung sila ay kinakatakutan sa dagat, dito ay isa silang atraksyon sa ating mga mata.

Namangha rin kami sa iba't ibang uri ng isda. Kung marami pa rin ang naghahanap sa sikat na cartoong isdang si Nemo, kami ay natagpuan na sya dito kasama pa ang iba't ibang kaibigan nito. Ang mga isdang ito ang nagbibigay buhay at atraksyon sa lugar. Mula sa simpleng uri ng isda hanggang sa magarang uri, pare pareho silang nakakatuwang pagmasdan.
Ang Oceanarium ay nahahati sa walong (8)seksyon:
1. Agos (Flow) – isa itong mala-rainforest na kinabibilangan ng mga isdang naninirahan sa tabang na tubig.
2. Bahura (The Reef) – makikita dito ang mga makukulay na artificial corals na matatagpuan sa ilalim ng dagat
3. Laot (Fishing Ground) – kung mahilig ka sa malalaking isda at pagi, dito mo sila makikita
4. Kalaliman (The Deep) – dito naman makikita ang iba't ibang isda na matatagpuan sa kailaliman ng karagatan ng Pilipinas
5. Buhay na Karagatan (Living Ocean) – isa sa pinagmamalaki dito ay ang 25 metrong walkway tunnel na kung saan makikita ang iba't ibang isda at marine species.
6. Overhang Tank – matatanaw dito ang iba't ibang uri ng pagi na lumalangoy habang ikaw ay nasa ilalim ng isang Overhang Tank.
7. Pating (Shark) – kung mahilig ka namans a iba't ibang uri ng pating, siguradong mag-ienjoy ka rito.

Matapos ang aming pag-iikot sa Concourse Plaza at sa kanilang Marine-Themed Mall ay nagpahinga kami at habang naghahanap ng pwedeng maupuan ay bigla kaming nakaramdam ng gutom. Tumungo kami sa pinakamalapit na kainan, ang Seoul Disorak, isang Korean restaurant. Dito kami sandaliang nagpahinga at nagpakabusog. Pagkatapos ay pumunta kami sa O My Yogurt para magpalamig at kumain ng panghimagas.
Umabot ang saya hanggang gabi dahil sa Acquatica Musical Fountain na kung saan makikita ang makukulay na performance ng nagsasayawang mga tubig. Ito ang kaunaunahan at pinakamataas na musical fountain sa bansa na umaabot sa 120 feet ang taas. Ito rin ang pinakamalaking water and laser show sa ating bansa. Nakakamangha ang nagsasayawang tubig, nakakaindak na tugtog, makukulay na mga ilaw at special effects at gayun din sa magagaling na performers.
Sigurado kaming hindi lang kami ang nag-enjoy kundi ang lahat ng bumisita sa Manila Ocean Park. Sulit na sulit ang bayad sa dulot na kakaibang saya. Kaya kung gusto nyong magbonding ng inyong mga kapamilya, kaibigan, barkada at mga katripapips, isang perfect na lugar ang Manila Ocean Park! Hanggang sa susunod na mga trip! :)