TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Exploring the Majesty of Lobo, Batangas

6/7/2012

12 Comments

 
Picture
Ang Batangas ay kilala bilang isang lugar kung saan matatagpuan ang naggagandahang mga dagat at pinunpuntahan ng mga tao para magbakasyon. Kaya para suriin ang tunay na kagandahan nito ay dumayo kami sa isang lugar na hinango ang pangalan sa isang hayop na kung tawagan ay "lobo," at ito ang Lobo, Batangas. 

Madalas dalawa lamang kaming naglalakbay sa iba't ibang lugar ngunit sa pagkakataong ito, kasama namin ang ibang Tripapips namin. Siguradong isang masayang paglalakbay na naman ito dahil maliban sa mararating namin ang isang magandang lugar ay kasama pa namin ang aming mga kaibigan.

Halos aabot din sa tatlo hanggang apat na oras ang byahe patungo sa Lobo, Batangas mula sa Manila. Pero wala namang dahilan para maboro ka sa byahe kapag kasama mo ang iyong makukulit na barkada. Kantahan, asaran at walang humbay na kwentuhan ang aming ginawa habang bumabiyahe. Maari mo ring pagmasdan ang nagbeberdehang mga halaman sa tabi ng daan.
Picture
Late na rin kaming nakaalis ng Maynila kaya halos maggagabi na kami nakarating sa aming destinasyon. Malugod kaming tinanggap ng mga kapamilya ni Titan sa kanilang bahay at para umpisahan ang unang gabi namin sa Lobo ay sinimulan na namin ang inuman. Naghain na kaagad ng masasarap na pulutan tulad ng papaitang kambing, sisig at iba't ibang inihaw. 
Picture
Picture
Malapit sa aming tinutuluyan ay matatagpuan ang palengke na kung saan matatagpuan dito ang mga preskong gulay at prutas. Pagkagising namin ay agad-agad na kaming tumuloy sa palengke para makapamili ng maaring dahil sa dagat. Ano pa't dumayo kami sa Batangas kung hindi namin mararanasan ang kanilang pinagmamalaking mga dagat.
Picture
Picture
Hindi kalayuan sa aming tinitirahan ay matutunton mo na ang dagat. Naglakad lang kami papunta sa dagat bitbit ang aming mga gamit at pagkain. Pagkakita pa lang namin sa dagat ay talagang namangha kami sa gandang taglay nito. Hindi ito tulad ng ibang resorts na may magagandang kwarto pero kakaiba ito dahil bukas ito para sa lahat ng tao.
Picture
Dito mo makikita ang ganda ng ng tunay na kalikasan. Nai-enjoy mo ang karagatan kasabay ng iyong pagpuri sa naggagandahang kabundukan. 
Picture
Pagdating namin sa cottage oramismong nilatag na namin ang aming mga baong handa. Siyempre alak (PAK!) hindi yan mawawala. Kumbaga special dessert na yan kapag may get together lalo na kung sa harap ka ng magandang beach sabay mo pa ang perfect weather. HAHAHA! Inilabas na rin namin ang aming mga baong pagkain. Napakasarap ng mga preskong prutas na aming dala.
Picture
Picture
Picture
Makikita mo rito kung gaano kasaya ang lahat ng tao sa dagat. May mga naglalaro, may mga nag-aawitan, may mga nagtatakbuhan at kung anu-ano pa. Nagmimistulang isang kapiyestahan sa karagatan nung panahaong iyon.
Picture
Picture
WOOOOW! Iba talaga ang sarap kapag kasama ang tropa mo sa beach. Lalo na kapag sasabayan pa ito ng summer heat. Hindi bale ng masunugan ka ng balat sa init eh kung every summer mo lang naman mararanasan yun at wala naman kapares ang saya na trip kapag swimming ang usapan.  
Picture
Picture
Picture
Picture
Napakasarap pagmasdan ng kapaligiran. Simula pagbangon ng araw hanggang sa paglubog nito ay anong sarap sa pakiramdam. Maririnig mo ang tawanan ng mga tao kasabay ng mga huni ng mga hayop sa paligid. dito mo maiisip na marami tayong dapat ipagpasalamat. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Inabot na kami ng dilim kaya may mga sulo na sinindihan sa harap ng cottage namin. ASTEEEG! Parang survivor ang datingan ng trip na ito! HAHAHA! Hindi na kami masyadong lumangoy sa dagat dahil nga madilim na. Kaya imbes na lumangoy kami, pinagtripan nalang namin yung mga sulo sa paligid namin.  
Picture
Picture
At matapos ang gabing puno ng trip at aksyon ay nagpahinga muna kami. Hanggang kinabukasan, isang panibagong umaga habang nasa dagat ang sumalubong saamin. Hindi pa kami nagpapapigil kaya muli naming nilasap ang dagat ng Lobo, Batangas. Pero sa pagkakataong ito ay lumipat naman kami ng pwesto.
Picture
Picture
Picture
Picture
Picture
Matapos ang trip namin sa dagat ay naghanda na kami para bumalik na sa Maynila. At bago pa namin makalimutan ang lahat ay namili kami ng mga Sampalok para pampasalubong. Maliban sa naggagandahang dagat ay kilala din ang Lobo sa Sampalok at Atis.
Picture
Sobrang nagpapasalamat kami kay Titan at sa pamilya niya na malugod kaming inimbita sa kanilang probinsya. Sabi niya nga balik daw kami doon. Well, siguradong babalik kami dahil hindi lang namin basta naenjoy yun, sobrang minahal din namin ang lugar nila.
Picture
12 Comments
NotingAthena link
6/10/2012 05:12:24 am

haha, tama, di talaga mawawala ang alak sa mga outing outing. pero syempre, dapat may control pa rin tayo. agree ako na masaya talaga pag kasama ang mga kaibigan sa beach. puro kwento, kulitan at bonding2x talaga.

Reply
Franc Ramon link
6/10/2012 10:31:42 am

Maganda ang lugar at maraming pwedeng gawin. Mukhang napakasaya ng mga litrato nyo.

Reply
Eric the Travelling Guy link
6/10/2012 11:21:19 am

nice company you got there... nice tripapips!

Reply
Kathy Ngo link
6/10/2012 02:30:18 pm

Buti naman nag enjoy ka dyan sa bakasyon mo. Ayoko kasi sa beach na maraming tao. Maarte ako e hehe pero I like the view ha.

Reply
Gil Camporazo link
6/10/2012 08:53:08 pm

Katakamtakam ang mga prutas!! Ang sayang-saya nyo mga tripapips!

Reply
Renz Bulseco link
6/11/2012 01:39:48 am

Woot! pupunta ako ng Batangas next week!

Reply
Lakwatserong Unggoy link
6/11/2012 08:47:58 am

great sets of photos!

Reply
Francis Balgos | Ang Pala-lagaw link
6/11/2012 10:08:50 am

sulit na sulit ang trip! saya! ;;)

Reply
Mark Morfe link
6/11/2012 06:24:28 pm

Its been almost 10 years since I went to Lobo to attend a wedding. But I never knew there were beautiful and scenic beaches like those. It really looks so clean, I'm texting my cousin to convince his wife to go back there next year. XD

Reply
Cha link
6/11/2012 08:55:31 pm

Ang daya hindi man lang nag aya sa ibang bloggers :-(

Sarap sanang pumunta sa dagat. Lalo na siguro kung puti at pino ang buhangin. Sa pinuntahan ninyo sa Lobo wala bang bayad yoon sinilungan ninyong cottage?

Reply
Eihrda link
6/12/2012 02:46:05 pm

pramis, napraktis ng maigi ang Tagalog ko at naaliw ako sa mga larawan lalo na ung mga magagandang tanawin.. :)

Reply
Marri link
6/12/2012 10:31:13 pm

Masaya talaga pag naglalakbay na kasama mo ang buong barkada.
Pagkatapos, magkuhanan ng PICTURES para may magpapaalala sa magagandang karanasan at tanawing nakita.

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to tripapips@yahoo.com. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.