TRIPAPIPS
  • HOME
  • ROAD TRIP
  • FOOD TRIP
  • SEKS TRIP
  • TRIP TIPS
  • ABOUT
Travel & Leisure - Top Blogs Philippines

Donsol, Sorsogon: The Whale Shark Capital of the World

8/17/2012

2 Comments

 
Picture
Kilala bilang "The Whale Shark Capital", ang Donsol ay isang maliit na bayan ng Sorsogon na nagtataglay ng isang kayaman na nagmula sa karagatan, ang Butanding. Ang whale shark o butanding ay isang malaking hayop sa karagatan na umaabot sa 15 metro o lagpas pa ang haba ngunit sa laki at lakas nito ay nananatiling maamo at ligtas sa mga tao.  Dahil dito, ang Donsol ay naging isa sa mga destinasyon ng turista sa ating bansa. 

Sa pag-iikot namin sa Bicol, hindi na namin pinalagpas pa ang Donsol, Sorsogon para masilayan ang kagandahang taglay nito. Mula sa isla ng Catanduanes ay sumakay kami ng barko patungo sa Tabaco, Albay. Tatlo hanggang apat na oras ang byahe at pagkarating namin doon ay sumakay kami ng van patungo sa terminal ng mga sasakyan papunta sa Donsol. Ilang oras din ang byahe ngunit maaaliw ka sa iyong mga nasisilayan sa daanan tulad naggigintuang mga palay bukid sa gilid ng kalsada habang natatanaw din ang kagandahan ng Bulkang Mayon.
Picture
Picture
Picture
Hapon nakarating ng Donsol at agaran kaming tumungo sa Barangay Dancalan kung saan matatagpuan ang Tourist Center ng bayan.  Kahit pagod na pagod na kami dahil sa haba ng byahe namin at palipat lipat na terminal ay sa wakas onti-unti na naming nasisilayan ang ganda ng tabing dagat. Wala nang patumpik-tumpik pa at agad na kaming pumasok at excited na para sa whale shark viewing.
Picture
Picture
Ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na kami pinayagan na pumunta pa sa laot dahil sa mga oras na iyon ay wala na kaming makikita pang mga Butanding. Kadalasan pala ay umaga nagpapakita ang mga malahiganteng hayop na ito. At ang dahilan ng pananatili nito sa dagat ng Barangay Dancalan ay dahil sa naghahalong tubig dagat at tubig tabang na pinakagustong tirahan ng mga butanding.

Imbes na malungkot kami sa hindi namin natuloy naadventure ay in-enjoy na lang namin ang napakagandang tanawin, ang mga maladyamanteng kinang ng tubig ng dagat, ang preskong hanging humihele at ang masarap pakinggang pagaspas ng mga alon.
Picture
Picture
Pagkatapos ng konting oras ng pagpapahinga ay tumungo kami sa palengke upang bumili ng mga sariwang isda at iba pa.
Picture
Picture
 Halos makikita mo dito ang iba't ibang uri ng isda dito pati na ang pating. Ang pating ay isa sa paborito ng mga Bicolano at ginagawa nila itong kinunot, isang uri ng pagkaing Bicolano, may gata at sili. 
Picture
Picture
Picture
Picture
Pagkatapos naming mamalengke ay tumungo na kami sa bahay ng isang kapamilya para makituloy ng isang gabi. Maraming lumang bahay ang nananatili pa ring nakatayo sa lugar na ito. Kahit luma ang mga ito ay nananatili pa rin ang ganda at mapapansing malalaki at maluluwag ang espasyo nito.
Picture
Nagpahinga kami ulit ng panandalian at upang masulit ang isang araw na pagbisita sa Donsol ay plinano naming mag Firefly Watching kasama ang iba pang kapamilya. Masasabi ko na isa ito sa masayang adventure na pwedeng gawin sa bayan ng Donsol. Kung kayo ay mapapagawi dito, siguradong huwag na huwag nyo itong palalampasin.
Picture
Picture
Picture
Kinabukasan ay nagtungo kami sa Legazpi City para mamasyal at doon na rin sumakay patungo sa Manila. 

Sa gandang taglay ng Donsol, kami ay muling magbabalik. Ang naudlot naming Whale Shark Viewing ay aming isasakatuparan at siguradong gagawing isang masayang karanasan. Kaya Donsol, humanda ka sa muling pagbabalik ng Tripapips! Hahahaha.
Picture
2 Comments
Wander Shugah link
8/20/2012 12:47:58 pm

Philippines is really beautiful ahit san mgpunta. Philippines has a lot to offer. andd ohh by the way, I love your blog. Im a fan now :) Cheeers to more travel!



<a href="http://wandershugah.com"> WANDER SHUGAH </a>

Reply
Tripapis Noks link
8/21/2012 01:47:49 am

Maraming salamat saiyo. Subaybayan mo lagi ang trip naming dalawa! Masmaramipang adventures at makukulit na lakwatsa! :)

Reply



Leave a Reply.

    Picture
    Picture

    Enter your email address:

    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture
    Picture

    LATEST BLOGS

    Categories

    All
    Aklan
    Albay
    Batangas
    Benguet
    Camarinessur
    Catanduanes
    Cavite
    Event
    Foodtrip
    Kalinga
    Makati
    Malaysia
    Manila
    Nuevaecija
    Pampanga
    Pangasinan
    Pasay
    Pasig
    Quezoncity
    Roadtrip
    Road Trip
    Singapore
    Sorsogon
    Soundtrip
    Travelguide
    Triptips

#TRIPAPIPS
KILALANIN ANG TRIPAPIPS

Ang blog na ito ay naglalaman ng iba't ibang trips. Ang road trip namin, kung saan ibabahagi namin ang iba't ibang lugar na napuntahan namin. Ang food trip, ang iba't ibang pagkain na tinikman at sinubok namin. Ang laugh trip at ang mga kagaguhan na nangyari sa aming buhay. Ang bad trip at ang mga away barkada. At lalong lalo na ang SEKS trip na kung saan naglalaman ng 69 na iba't ibang trips na gusto naming gawin. :)  
SEND US YOU FEEDBACK AND SUGGESTIONS

If you want to contact the Tripapips for comments, suggestions, donations, advertising o kung ano man, send them  to [email protected]. O magfill-up lamang sa Contact Form.

You can also follow us on Twitter. At para malaman pa ang aming bagong trip, like us on Facebook.