Kung sining at kultura ang pag-uusapan, tiyak na mayaman dito ang isang lugar sa Baguio City. Ito ay ang Tam-awan Village na tinutungo ng tao para masilayan ang kagandahan ng kapaligiran at lalo na ang maranasan ang yaman ng kulturang Cordillera.
Matatagpuan ito sa kahabaan ng Tacay Road, pagtawid lamang mula sa kilalang art studio at gallery ng isang sikat na iskultor na si Ben-Hur Villanueva.
Related Article: Food and Art Tripping at Kape Diperensya, Baguio City
Hindi man kagarbo tulad ng ibang pasyalan, tanging mga halaman, mga bato at isang maliit na pwesto na bilihan ng ticket lamang ang sasalubong sainyo pagdating nyo sa rito. Sa labas pa lamang ay maririnig mo na ang kalampag ng mga batingaw, hudyat na may kasiyahang nagaganap sa loob nito. Kaya hindi na namin mapigilan ang nangangating mga paa namin na pumasok upang malaman kung ano ito. At habang papalapit kami ay lalong tumitindi ang pagkagusto naming makita ito. Ngunit pagpasok namin ay biglang natapos ang masayang tugtugin.
Tulad sa kasabihang "huwag natin husgahan ang isang bagay sa labas na kaanyuan nito," dahil taliwas sa simpleng itrsura nito sa labas ay mamamangha ka sa kagandahang taglay nito sa loob. Isang lugar na puno ng mga halaman at makikita rito ang mga nakatirik na kubo na siyang tradisyunal na bahay ng mga sinaunang tao sa Cordillera. Napapalibutan din ang lugar ng iba't ibang palamuti na yari sa mga neresiklong bagay at kagamitan, nagpapakita kong gaano sila kamalikhain at kung ano sakanila ng kahulugan ng sining. Dito mo rin masasalamin ang pagpapahalaga ng mga tao dito sa ating kalikasan.

Itinayo ni National Artist of the Philippines Benedicto Cabrera ang ang Tam-awan Village upang magsilbing kanlungan para sa lokal na sining at maitaguyod ang kultura ng Cordillera. Sa ngayon, iba't ibang pintor ang makikita rito at maswerte kaming naabutan ang mga ito na kasalukuyang ginuguhit ang mukha ng isang banyagang turista. Makikita mo rin ang iba't ibang likha ng mga local artists na kasalukuyang nakatanghal sa Bugnay Gallery.
Maliban sa makulay na sining at kultura dito ay swak na swak din sa panlasa ng lahat ng kape ng Cordillera. Sa loob ay matatagpuan din ang isang coffee shop na magpapatikim sa mga turista ng kanilang lokal na kape. Kawili-wili ang dekorasyon sa loob nito dahil lahat ay disenyong katutubo.
Kung kakaibang adventure at trip naman ang gusto nyo, bakit hindi nyo subukang akyatin ang pinakamataas na bahagi ng tam-awan Village. Halos napapalibutan ito ng maraming pine trees, ngunit kailangan ng konting pag-iingat sa paglalakbay dito dahil maputik ang daanan at madulas lalo na kapag umuulan. Sulit naman ang lahat ng hirap at pagod sa pag-akyat dahil pagnaabot nyo ang tuktok ay siguradong mabibighani ka sa ganda ng tanawin dito.
Minsan naming nakalimutan ang tukoy namin dito na masaksihan ang tugtugan ng mga batingaw nang makarinig ulit kami ng tugtugan habang pababa at daliang tumungo dito. Tila isang fiesta ang naabutan namin ng makita namin ang grupo ng mga kabataang nakasuot ng bahag at sumasayaw ng tadisyunal na sayaw ng mga Igorot. Masyado kaming natuwa dahil ito lamang ang unang beses naming makapanuod nito.
Hindi namin napigilan ang aming mga sarili kaya pati kami ay nakisali at napaindak na rin. Tinuruan din nila kaming tumugtog ng batingaw. Hindi rin pala ganoon kahirap sayawin ang kanilang sayaw. Masaya kami at pakiramdam namin ay isa rin kaming Igorot kahit sa sandaling oras lamang.
Maliban sa konting sayawan at tugtugan ay nagkaroon din kami ng pagkakataong makausap sila at makapagkwentuhan. At dito namin lalo naramdaman kung gaano kasaya at kakulay ang kultura ng Cordillera.
Kung tumatawag ang kalikasan, alam mo na kung saan ka pupunta. At siguradong hindi ka mawawala dahil sa malinaw na malinaw ang nakapaskil sa bawat pinto ng banyo kahit iba ang lengwahe ng nakasulat dito.
Tulad ng maraming turistang pumunta dito, isa kami sa naging masayang manlalakbay ng marating ang Tam-awan Village. Dito mo mararanasan ang tunay na pagmamahal ng tao sa kalikasan at tunay na maiintindihan kung ano ang sining at kultura para sa mga taga-Cordillera. Sana ay magpatuloy ang pagtaguyod sa lugar na katulad nito at kahit lumipas man ang panahon ay hindi pa rin kukupas ang yaman ng sining at kulturang Pilipino.