
Kilala ang Bicol dahil sa nag-aanghangang mga pagkaing may halong sili tulad ng Bicol Express. Ngunit maging ang panghimagas dito ay lumiliyab din sa anghang. Kung sawa ka na sa mango, chocolate o strawberry ice cream, dito ay mag-eenjoy ka sa kakaibang flavors na swak na swak ngayong tag-init.
Habang painit ng painit ang summer, paanghang ng paanghang naman ang kakaibang ice cream sa Legazpi City, ang sili ice cream. Ito ang dahilan kung bakit maraming turista ang dumarayo sa isang restoran dito, ang 1st Colonial Grill. Matatagpuan ito sa Ground Floor, Pacific Mall, Landco Business Park, Legazpi City. Kilala ito dahil sa masasarap na authentic na pagkaing Bicolano tulad ng laing, tinutungang manok at tinapa rice na syang hinahanap-hanap ng mga namamasyal sa Bicol at maging ng mga lokal na tao.
Read: Mayon Volcano and the Cagsawa Ruins, Albay
Read: Mayon Volcano and the Cagsawa Ruins, Albay
Kilala ang mga Bicolano dahil sa kanilang mga nag-aanghangang mga pagkain. At alam nyo ba na maging sa panghimagas na ice cream nila ay matitikman din ang pagiging uragon ng mga Bicolano. Ito ay ang tanyag na sili ice cream. Sa halagang 27 pesos per scoop or 79 pesos sa bawat tatlong scoops, maari nyo nang matikman ito.
Sa simula ay hindi namin ma-imagine kung ano ang lasa nito. Ngunit pagkatapos ng unang tikim ay kaagad naming nagustuhan. Matamis na may anghang ngunit malalasap mo pa rin ang creaminess ng ice cream.
Sa simula ay hindi namin ma-imagine kung ano ang lasa nito. Ngunit pagkatapos ng unang tikim ay kaagad naming nagustuhan. Matamis na may anghang ngunit malalasap mo pa rin ang creaminess ng ice cream.
Maliban sa sili, may iba pang flavors dito na masasabi mong kahit sa ice cream ay hindi mawawala ang pagiging Bicolano. Mula sa sili ice cream ay tikman naman natin ang pili ice cream. Ang pili ay isa rin sa pangunahing produkto ng Bicol na kadalasang ginagawang kendi at tart bilang pasalubong. Ngunit dahil sa pagiging malikhain ng mga Bicolano, maari na rin natin itong malasahan bilang flavor ng ice cream.
Dapat nyo ring tikman ang tinutong ice cream. Ang flavor nito ay hango sa tinutong na bigas na ginagawang kape ng mga Bicolano. Hindi mo na kailangan pang magpakahirap magluto at magtimpla dahil sa isang subo mo lang ay matitikman mo na ang kakaibang flavor na ito. Sa katunayan, isa ito sa paborito naming flavor sa mga natikman naming ice cream.
Kung nais nyo ring magpaka-summer sa flavor ng iyong ice cream, tikman ang kalamansi ice cream. Isa ito sa hit na flavor tuwing tag-init dahil malalasahan mo ang kapreskohan ng kalamansi habang naghahalo ang tamis at asim nito. Marami pang ibang flavors na maaari mong piliin tulad ng salabat, malunggay at melon.
Tulad namin, siguradong mag-ienjoy kayo sa mga kakaibang flavors ng ice cream na ito.
Kaya habang nag-sisimula na ang tag-init ay patok na patok ang ice cream na pampalamig. Simulan nang i-enjoy ang mga refreshing na pagkain tuwing summer. Ngunit sa Legazpi City mo lang matitikman ang mga kakaibang flavors ng ice cream na tanging sa Pilipinas lang matatagpuan. Kaya kung maliligaw kayo dito, siguraduhing malasahan nyo ang mga ito at subukan kung isa rin kayong "Uragon!"
1st Colonial Grill
Albay 1/F Pacific Mall, F. Imperial St. Cor.
Circumferential Rd. Legazpi City
Phone: (052) 481 1213
1st Colonial Grill
Albay 1/F Pacific Mall, F. Imperial St. Cor.
Circumferential Rd. Legazpi City
Phone: (052) 481 1213