Kung magagawi ka sa Baguio City, tiyak na hindi mo palalagpasing bumisita sa Burnham Park. Isa ito paboritong pasyalan ng mga lokal na tao dito at maging ang mga turista. Maliban sa maganda ang lugar na ito ay marami kang maaring gawin dito na tiyak magi-enjoy ang pamilya at barkada.
Tuwing tag-init, ang Baguio City ang sikat na lugar para magpalamig, kaya tinawag itong "The Summer Capital" ng Pilipinas. Dahil matatagpuan ito sa mataas na bahagi ng bansa at napapalibutan ng mga kakahuyan, ang malamig na klima dito ang nagiging isang atraksyon sa mga tao. At kapag sinabing Baguio City, siguradong dadapo sa isipan mo ang Burnham Park.
Related Article: Arts and Culture Treat at Tam-awan Village, Baguio City
Ang Burnham Park ay tinatawag na "Mother of All Parks" sa Baguio City. Marahil, sintanyag ito ng Luneta Park sa Manila, ito ang unang pinupuntahan ng tao pagkatapak nila sa City of Pines. Ihinango ang pangalan na ito sa isang Amerikanong arkitekto na siyang nagplano at nagdisenyo ng parke at ng lungsod ng Baguio, si Daniel Burnham.
Sa laki nito ay siguradong marami kang pwedeng gawin upang maglibang o mamasyal. Kaya noong nagpunta kami rito ay inilista namin ang ilan sa mga masasayang gawin dito. Ito ay ang mga sumusunod:
Related Article: Arts and Culture Treat at Tam-awan Village, Baguio City
Ang Burnham Park ay tinatawag na "Mother of All Parks" sa Baguio City. Marahil, sintanyag ito ng Luneta Park sa Manila, ito ang unang pinupuntahan ng tao pagkatapak nila sa City of Pines. Ihinango ang pangalan na ito sa isang Amerikanong arkitekto na siyang nagplano at nagdisenyo ng parke at ng lungsod ng Baguio, si Daniel Burnham.
Sa laki nito ay siguradong marami kang pwedeng gawin upang maglibang o mamasyal. Kaya noong nagpunta kami rito ay inilista namin ang ilan sa mga masasayang gawin dito. Ito ay ang mga sumusunod:
1. Boat Ride - Isang malaking man-made lake ang makikita sa gitna ng Burnham Park at ang bawat turista ay maaring mamangka habang tinatanaw ang magandang palibot nito. Maaring magrenta ng bangka na may iba't ibang disensyo at hugis sa halang 150php sa bawat 30 minuto.
2. Food Trip - Kumpletuhin ang ingyong bakasyon sa pamamagitan ng pagtikim ng mga sikat na pagkain sa Baguio City. Isa sa pinupuntahan dito ay ang Strawberry Taho. Sa paligid ng Burnham Park ay makikita ang sari saring mga restoran. Siguraduhing tikman ang sarap ng mga pagkain sa Baguio City.
3. Skate at sports - Sa bandang timog ng parke ay may isang malaking skating rink. Magandang pasyalan ito ng mga bata at ng mga mahihilig sa sports. Maliban sa pagi-skate, maari rin kayong magalro ng basketball at table tennis dito. Kung trip na swak sa budget ang hanap nyo, dito nyo dalhin ang inyong pamilya at barkada.
4. Shopping - Mahilig ka ba mamili? O naghahanap ka ba ng mga pasalubong para sa mga kaibigan? Kung gusto mo ng abot kayang mga pasalubong, makikita mo ito sa Burnham Park. May mga tiyangge rito na nagbibenta ng iba't ibang produktong matatagpuan sa Baguio City. Kung hanap ninyo ay keychains na gawa sa kahoy at may nakaukit na Baguio City, mabibili niyo ito dito sa halang sampong piso ang isa.
5. Picnic, date at siteseeing - Matatagpuan dito ang Melvin Jones Grand Stand at isang malaking football field na maaring pagpiknikan ng pamilya. Maari din itong maging isang romantikong lugar para sa magsing-irog, bonding ng barkada at maging ang mga bata ay matutuwa rito dahil sa The Children's Park. Maaring magrenta rito ng bike para sa pamilya at mga bata. Kung gusto nyo lang magpahinga at tanawin ang kagandahan ng paligin, sobra nyong maienjoy ang lugar na ito dahil sa makukulay na bulaklak at nagbiberdehang mga puno't halaman. :)
Kung gusto nyo libutin ang Burham Park, maari nyong puntahan ang labing dalawang (12) lugar dito. Ito ay ang mga sumusunod:
- Burnham Lagoon
- Children's Playground
- Skating Rink
- Rose Garden
- Orchidarium
- Igorot Garden
- Melvin Jones Grandstand
- Athletic Bowl
- Picnic Grove
- Japanese Peace Tower
- Pine Trees of the World
- Sunshine Park