Tanyag ang bayan ng Bato, Catanduanes dahil dito matatagpuan ang makasaysayang Bato Church. Ngunit maliban dito, sa Bato nyo rin makikita ang mga naggagandahang talon na ipinagmamalaki ng bayan. Malamig na tubig, preskong hangin at magandang tanawin ay ilan lamang sa mga katangiang taglay ng Maribina Falls, ang pinakasikat na talon sa Bato.
Ang Manila Ocean Park ay naging paboritong pasyalan ng mga pamilya at mga kabataan upang tuklasin ang makulay na mundo sa ilalim ng dagat at ang iba't ibang hayop at mga isda na nagpapakita kung gaano kayaman anga ating karagatan. Matatagpuan ito malapit sa Roxas Boulevard (sa likod ng Quirino Grandstand) sa Ermita, Manila. Isa sa dapat puntahan sa Catanduanes ay ang kilalang tourist spot, ang Luyang Cave. Kilala ito dahil sa naggagandahang rock formations at sa malamig na simoy ng hangin sa loob nito. Sa kasalukuyan, matatagpuan ang isang groto sa loob nito na pinaniniwalaang misteryoso. Matatagpuan ito sa Barangay Lictin, San Andres, Catanduanes. |