Likas sa mga Pilipino ang magtago ng tunay na nararamdaman sa isang bagay. Hindi tayo tulad ng ibang lahi na prangka o diretso magsalita tungkol sa kanilang kapag may napupuna. Takot tayong masaktan ang ating kapwa kaya kapag nagtatanong sila ng isang bagay na mahirap sagutin ay dinadaan natin ito sa kaplastikan.