Picture
Napakaswerte ko. Puro pagkain ang sumalabong saakin ng pagdating ko sa Singapore. Lalo na ng madatnan ko ang isang malaking pagdaraos ng Singapore Food Festival 2012. Taon taon itong ginaganap kung saan dito matitikman ang iba't ibang lokal na pagkain ng Singapore. Idinaos ito ngayon sa Waterfront Promenade, Marina Bay Sand noong ika-13 hanggang ika 22 ng Hulyo, 3012.


 
 
Picture
Mahilig ka ba magtravel, pero lagi kang gipit sa budget? O pangarap mong maglakbay pero laging kulang ang iyong allowance? Gusto mo bang malibot ang magagandang tanawin sa bansa pero wala kang ipon? Wag kang mag-alala dahil may mga Road Trip Tipid Tips ang Tripapips para sayo. Hindi naman kailangan gumastos para ma-enjoy ang iyong paglalakbay.


 
 
Picture
Si Tripapips Noks ito. Sa pagkakataong ito mag-isa akong maglalakbay patungong Singapore at hindi makakasama si Tripapips Jong dahil sa kanyang trabaho. Kaya kahit mag-isa ako ay hindi pa rin mawawala ang kakulitan at makabuluhang road trip! Pupunta ako sa Singapore para makilala ang iba't ibang bloggers na kabilang sa Singapore Blog Awards 2012 at para maghasik na rin ng lagim. (Joke) Hahaha.


 
 
Picture
Muling napuno ng katatawanan at walang humpay na kasiyahan ang aming gabi ng aming matunghayan ang pagtatanghal ng Silly People’s Improv Theater (SPIT), ang premiere improvisational theater troupe ng ating bansa sa kanilang kakaibang palabas sa pagdiriwang ng kanilang ika-sampong anibersaryo. Kanilang inihandog ang MANILA IMPROV FEST 2012: The First Philippine International Improv Festival sa Quantum Cafe, Makati.