Ang pinakaaabangang pasiklaban ng makukulay na sayawan ay muling idinaos sa taunang Aliwan Festival noong ika-10 ng Abril, 2012 sa kahabaan ng Roxas Boulevard. Ito ang ika-sampong taon ng pagdiriwang kung saan nagsasama sama ang iba't ibang mananayaw sa iba't ibang probinsya ng Pilipinas upang ipakita ang kanilang kultura at itaguyod ang kanilang lugar sa pamamagitan ng sayaw. Ang Aliwan Festival 2012 ay inorganisa ng Manila Broadcating Company at ng Cultural Center of the Philippines sa tulong ng lungsod ng Maynila at Pasay.
Sa init ng panahon ngayon, naiisipan mo pa bang humigop ng mainit na kape? Eh tsaa? Bakit hindi, kung nasa Baguio City ka lang naman. Ano pa't walang kasing sarap ang humigop ng kape habang hinahaplos ka ng malamig na simoy ng hangin habang pinagmamasadan mo ang kahabaan ng nagluluntiang kabundukan ng Baguio City. Yay! Tuwing Abril o Marso, ipinagdiriwang ng mga Kristiyano ang Semana Santa. Ang Pilipinas, bilang isa sa bansang Kristiyano ay isa ito sa pinakaimportanteng bagay na idinadaos taon taon. Ito ang panahon para gunitain ang pagsakripisyo ni Hesukristo at pagsalba nya sa sambayanan sa kanilang mga kasalanan. Panahon din ito para humingi ng kapatawaran, pagsasakripisyo at paggawa ng kabutihan sa paniniwalang sa ganitong paraan ay mababawasan ang ating mgakasalanan. Matagal tagal na rin kami hindi nakabalik ng Baguio para magbakasyon. Kaya ngayong malapit na ang summer, at sakto upang makita ang makulay na pagdiriwang ng Panagbenga Festival, naisipan namin muling bisitahin ang City of Pines at tinaguriang Summer Capital ng Pilipinas! Tara na at magpalamig muna tayo mga Tripapips! Isang masayang food trip na naman ito mga katripapips! Syempre, kung saan ang may pagkain, naandon din kami! Ika nga, hindi kami papahuli sa mga eksena! Kaya dumalo kami sa nakaraang Summer Food Fair, ang Best Food Forward sa NBC Tent, Taguig City upang malasahan ang ibat ibang klase ng pagkain na ibinida ng mga kalahok. |