Malapit na naman ang isa sa pinakabonggang festival sa ating bansa. Muli na namang makikita ang makukulay at naggagandahang parada ng mga floats na yari sa mga bulaklak at muling magpapasiklaban ng galing sa pagsayaw ang mga tao sa Baguio City para sa Panagbenga Festival 2013.
Oo. Tama! Trip lang namin kung bakit namin simulan ang Tripapips.com. Ito ay para ibahagi na namin ang aming mga trip sa buhay sa pamamagitan ng pagba-blog. Pero syempre, bago nagsimula ang Tripapips.com, masnaunang nagsimula ang aming pagkakaibigan.
Magkaklase kaming dalawa nung kolehiyo. Tulad ng ibang estudyante, maliban sa "pag-aaral" ay mahilig din kaming magbulakbol, uminom, gumala at lalo na magtrip. Magbulakbol pagkatapos ng klase, uminom kasama ang barkada, gumala kung saan saan at magtrip para may pagkatuwaan. Hanggang magtapos kami ng kolehiyo, solid dabarkads pa rin kami at hanggang ngayon, mahilig pa rin kami magbulakbol, uminom, gumala at magtrip. |